^

Pang Movies

Jodi gusto nang magka-kambal kay Jolo

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Handa nang magka-baby si Jodi Sta. Maria kay Jolo Revilla kahit hanggang ngayon ay hindi pa niya alam kung kailan sila ikakasal.

Kung sakali, gusto ba niyang kambal ang maging una nilang anak gaya sa Be Careful With My Heart?

“Kahit gusto ko, hindi yata pwede kasi wala sa lahi sila Jolo ng kambal,” sabi ni Jodi na mas lalong gumanda ngayon.

Balitang hiwalay na sina Pampi Lacson (ex husband niya) at Iwa Moto.  Ano ang masasabi niya rito?

“I am not in a position para magsalita nang ano man tungkol sa paghihiwalay nila.  Sana maayos nila ang problema nila bago mahuli ang lahat,” ani Jodi.

Balik-pelikula si Jodi sa Maria Leonora Theresa na hango sa pangalan ng manika nina Nora Aunor at Tirso Cruz III noong 70s.  Horror-comedy yata ito at si Wenn Deramas ang direktor.  “Excited akong mag-pelikula ngayon,” sabi ni Jodi.

Kaya nagpasikip, AiAi winasak ng huling BF?!

Walang pakialam si AiAi delas Alas sa kanyang pag-undergo ng vaginal tightening o pagpapasikip ng keps kamakailan.  “Mas nagkakaroon ng self-confidence ang isang babae kapag sumasailalim sa ganyang proseso,” sabi niya.

Medyo naiinis lang siya at pinag-uusapan siya ngayon sa kanyang pagpapasikip pero alam naman niyang bago siya, marami na ring babae ang nagpapasikip.  Naloka nga siya nang tanungin siya ng anak niyang si Sancho tungkol dito.  “Mama, pasabog ka na naman!  What is pasikip ba?”

May running joke nga ngayon, kaya raw nagpasikip si AiAi ay masyadong lumuwag ang kanyang keps sa huli niyang naging lalaki sa buhay.  Napakalaki raw kasi ng nota nito!  Pero siya  mismo ang nagsabing walang kinalaman ang huli niyang lalaki sa kanyang pagpapasikip.

Coco at Ruffa, ang layo ng height

Sinapawan daw ni Sarah Geronimo si Coco Martin sa isang eksena sa Maybe This Time, lalo na nang sabihin ni Sarah sa harap ni Coco: “There was never an us!”. Paano naman siyang hindi sasapaw, e puro english ang lines niya samantalang puro Tagalog lang si Coco.

Pero feeling namin, promo gimmick lang ito ng pelikula para panoorin ng manonood at maging super box-office success gaya ng Starting Over Again.

Ang problema lang dito sa cast ay hindi raw kapani-paniwala na maging sina Coco at Ruffa Gutierrez.  Napakalaki kasi nito kay Coco.  Para silang David and Golliath.

 

vuukle comment

BE CAREFUL WITH MY HEART

COCO MARTIN

DAVID AND GOLLIATH

IWA MOTO

JODI

JODI STA

JOLO REVILLA

MARIA LEONORA THERESA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with