^

Pang Movies

Celebrity Dance Battle Cycle may pasabog

Pang-masa

MANILA, Philippines - Isa sa apat na bagong celebrity contestants ng Celebrity Dance Battle Cycle 3 ng TV5 ang aatras sa dance battle competition ng Kapatid network ngayong Sabado, May 17. 

Last week ipinakilala ng Celebrity Dance Battle ang bagong set ng celebrity participants na pinangungunahan ng showbiz royalty na si Ciara Sotto na pinatunayan na bukod sa kanyang ama­zing pole stunts, kaya niya ring bumuo ng rapport and chemistry kasama ng isang dance partner para sa isang dance ensemble. Ipinakita naman ng professional model at TV personality na si Wilma Doesnt na bukod sa pagrampa sa mga fashion ramps, kaya niya ring rumampa ng pagsasayaw sa dance floor.

Pinabilib naman ng Tropa Mo Ko Unli mainstay at acclaimed indie film actor na si Edgar Allan Guzman ang mga viewers dahil bukod sa pagiging versatile television at film actor, kaya niya ring maging outstanding dancer. 

Samantala, isa ring showbiz royalty na unti-unting gumagawa ng ingay sa showbiz industry na si Rafa Siguion-Reyna ang kumukompleto ng set ng Celebrity Dance Battle Cycle 3.

Sino kaya kina Ciara, Wilma, Edgar, at Rafa ang aatras sa dance battle showdown ng TV5 ngayong Sabado? Ano ang magiging reaksyon ng mga Celebrity Dance Battle judges na sina Douglas Nierras, Edna Ledesma, G Toengi, at Allison Harvard sa pinakabagong kaganapang ito ng ultimate dance showdown sa telebisyon? Bilang host ng show, paano kaya ito tatanggapin ng dance goddess na si Lucy Torres-Gomez? At ano kaya ang masasabi ng Semerad twins na sina Anthony at David bilang co-hosts ng show sa pangyayaring ito? 

Abangan sa Sabado, May 17, 9:15 p.m. sa TV5 kung paanong makaka-apekto ang desisyon ng umatras na celebrity contestant sa magiging takbo ng Celebrity Dance Battle Cycle 3.

 

vuukle comment

ALLISON HARVARD

BATTLE

CELEBRITY

CELEBRITY DANCE BATTLE

CELEBRITY DANCE BATTLE CYCLE

CIARA SOTTO

DANCE

DOUGLAS NIERRAS

EDGAR ALLAN GUZMAN

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with