^

Pang Movies

Regine sinusundan ng ulan

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakakatuwa talaga itong si Regine Velasquez-Alcasid. Akalain mong dinedma lang ang pagbuhos ng ulan habang siya ay nagpe-perform para sa kanyang supporters sa isang Kapuso Night na ginanap noong May 10 sa beach front ng Pearl of the Pacific sa Boracay.

Masaya at kalog na Regine ang humarap sa mga manonood na nagawa pang magbiro.

“Bilib na talaga ako sa sarili ko, hanggang Boracay dala ko ang ulan,” natata­wang pahayag niya.

Nangingiti na nga lang ang Asia’s Songbird tuwing inuulan ang kanyang regional shows courtesy of GMA Network. Hindi kasi ito first time na nangyari dahil bago ang Boracay, same scenario rin ang na-experience niya noong Binatbatan Festival sa Vigan at Bangus Festival sa Dagupan.

Pero talagang nakakabilib pa rin ang multi-awarded singer na hindi nagpatinag at patuloy pa ring bumirit para sa kanyang fans. Ilan sa mga inawit niya ay ang Ako’y Iyong-Iyo at On the Wings of Love.”

Samantala, naantig naman ang puso ng audience nang iabot ni Regine ang kanyang payong sa isang nanay na may bitbit na baby na enjoy na enjoy sa panonood sa kanya sa gilid ng stage.

Natapos ang show nang awitin niya ang I Will Survive kung saan open ang stage para sa mga fans na gustong maki-kanta at maki-indak sa kanya.

vuukle comment

AKALAIN

BANGUS FESTIVAL

BINATBATAN FESTIVAL

BORACAY

I WILL SURVIVE

KAPUSO NIGHT

ON THE WINGS OF LOVE

PEARL OF THE PACIFIC

REGINE VELASQUEZ-ALCASID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with