^

Pang Movies

Kuh nagsimula nang magtika

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Holy Week na po, start na tayo sa Lunes Santo, April 14. Magsimula na tayo ngayon ng ating religious activities tulad ng fasting, Way of the Cross, confession, misa, Visita Iglesia, at anything na ginagawa natin pagsapit ng Semana Santa o Mahal na Araw. Minsan lang sa isang taon natin ito ginagawa lalo na tayong mga Katoliko.

Isang magandang halimbawa rin ang gagawin ni Kuh Ledesma bilang isang Bible believer at masugid na disipulo ng ating Pa­nginoong Diyos. Sa darating na April 8, 6:30 p.m., magkakaroon siya ng painting exhibit sa ikalawang pagkakataon na gaganapin sa White Space Manila sa Pasong Tamo Extension sa Makati City at pinamagatan niya itong The Beauty of Purpose.

Bale 38-40 paintings ang makikita ng mga invited people at ang perang malilikom sa mapagbibilhan ang siyang gagamitin sa paggawa ng independent movie na entitled Hilom. At umaasa si Kuh and her group na sa pamamagitan ng said movie ay malalantad ang panganib ng paniniwala sa albularyo, faith healer, o quack doctor.

Pagkatapos ng painting exhibit, magiging busy na naman ang magaling na singer sa kanyang concert naman sa April 19 sa Hacienda Isabela na matatagpuan sa 8 Brgy. Carasuchi, Indang, Cavite. May pamagat na Amazing Love, makakasama ng Pop Diva ang kanyang only daughter na si Isabella at ang baguhang singer na si Jane Joseph.

vuukle comment

AMAZING LOVE

BEAUTY OF PURPOSE

HACIENDA ISABELA

HOLY WEEK

JANE JOSEPH

KUH LEDESMA

LUNES SANTO

MAKATI CITY

PASONG TAMO EXTENSION

POP DIVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with