^

Pang Movies

Mga Estrada babanggain ni Mat Ranillo

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mayroon na raw feelers na handa nang tumestigo ang dating aktor na si Mat Ranillo III sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam. Idinawit si Mat ng mga whistleblower sa kasong iyon sa pagsasabing may panahong tumayo siya bilang isa sa mga ahente ni Janet Lim-Napoles. Nagsimula ’yan nang lumabas ang mga dokumento na isinumite mismo ni Mat sa korte nang magtangka si Napoles na bawiin ang isang sasakyang kanyang binili mula roon. Nagpakita si Mat ng mga voucher na bayad na niya ang sasakyan at ang bayad doon ay bahagi ng kanyang komisyon sa mga business transaction ni Napoles na may kaugnayan sa ilang government officials.

Partikular na nabanggit iyong diumano ay pagkikita ni Napoles, ni Mat at ng kanyang asawang si Lyn sa isang bahay sa Dasmariñas Village, Makati City kasama ang isa sa mga ipinagharap ng kasong plunder sa PDAF scam.

Pero sinusuri pa raw ng National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Justice (DOJ) kung ano ang kanyang sasabihing testimonya. Ang NBI ang nagsampa ng mga kasong plunder sa Sandigang Bayan, at dahil sinasabing tetestigo si Mat para sa kanila, gusto nilang makatiyak na ang sasabihin noon ay pabor sa kanilang paghahabol.

Ang matindi nga lang mangyayari kung sakali ay magkakaroon ng tamaan ang dalawang mala­king clan sa showbusiness, ang mga Ranillo at ang mga Estrada. Noong araw ay sinasabing “magkadikit” ang dalawang pamilyang ’yan.

Pero siguro nga hindi naman maiiwasan ni Mat na hindi magbigay ng testimonya niya sa ngayon dahil kasama na siya sa nadidiin. Hindi iyan ang masasabing matinding dagok kay Mat na matagal na rin namang walang mga proyektong ginagawa sa showbusiness. May mga nauna pa, at iyang sinasabing pagkakasangkot niya sa scam ay hindi nga magandang image para sa kanya. Depende pa rin kung ano ba talaga ang nalalaman niya at sasabihin niya.

JC napapansin uli

“Napapansin kasi napapanood na ngayon si JC de Vera,” ganyan ang sinasabi ng marami.

Si JC ang sinasabi noong araw na “next most important male star.” Nabibigyan naman siya ng mga magagandang break sa dati niyang home network. Pero nagkaroon nga ng problema, nagkaroon ng ilang maling diskarte sa kanyang career, at lumamlam iyon. Si­guro nga hindi naman masasabing nagsisi siya dahil kumita rin naman siya nang maganda kahit na noong panahong hindi maganda ang career niya dahil walang nakakapanood sa mga ginagawa niya. Pero talagang malaking advantage nga iyong natapos niya ang kontratang kanyang pinirmahan at nakalipat siya sa ABS-CBN.

Nang lumipat naman siya, nabigyan agad siya ng ilang assignments at ngayon nga ay napasama sa top rating na serye ni Angel Locsin, ang Legal Wife. Dahil mataas nga ang ratings, masasa­bing may nakakapanood na sa kanya ulit at napapansin na siya. Buti naman nakabalik siya dahil kung hindi ay sayang ang magandang simula ng career niya.

Michael nakapagpahanga kahit ng mga foreigner

Nang matapos ang Winter Olympics sa Sochi, Russia, pang-number 19 lang si Michael Martinez ng Pilipinas sa 24 na naglaban. Pero napakalaking bagay dahil siya ang pinakabatang atleta at siya rin ang nag-iisang galing sa isang bansa na walang snow.

Dito sa atin, sa Snow World lang sa Star City may tunay na snow at sino nga ba ang mag-aakalang magkakaroon tayo ng isang atletang nagpahanga maging sa mga taong hindi naman natin kababayan?

 

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

MAT

NAPOLES

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with