^

Pang Movies

James pag-iipunan ng todo ang dalawang kasal na gusto ng Italian GF

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Thirty years old na pala si Michela Cazzola, ang Italian girlfriend ni James Yap na nakaka­intindi ng wikang Tagalog.

In love na in love sa isa’t isa sina Michela at James kaya hindi malayo na humantong sa kasalan ang kanilang relasyon.

Kailangan nang mag-ipon ni James dahil dalawang beses na pagpapakasal ang type ni Michela, isa sa Pilipinas at sa Italy.

Nakilala na ni James ang pamilya ni Michela at boto sa kanya ang mga magulang ng dyowa niya.

“Happy birthday” lang ang simpleng birthday message ni James para sa kanyang ex-wife na si Kris Aquino. Mahaba naman ang birthday message ni Kris para sa kanyang ex-husband.

Marami ang nakapansin na maingat si James sa pagbibitaw ng salita kapag tungkol kay Kris ang topic.

Naging makabuluhan ang birthday ng cager noong Feb. 15 dahil nakasama niya ang anak na si Bimby at ang kapatid nito na si Joshua. Maligayang-maligaya si James sa pagkikita nila ni Bimby dahil mula nang maghiwalay sila ni Kris, hindi na niya nakasama si Bimby sa kanyang kaarawan.                                         

Sarah walang rason para magselos kay Richard

Pumayag si Sarah Lahbati na magpainterbyu sa Startalk bilang tulong niya sa promo ng Basement.

Pero mas pinag-usapan ang love life ni Sarah kesa sa pelikula na ipino-promote niya. Halatang-halata ang sobrang pagmamahal ni Sarah sa kanyang boyfriend na si Richard Gutierrez.

Sampung taon ang agwat ng mga edad nila. Kahit 10 years older ang kanyang boyfriend, sinabi ni Sarah na young at heart si Richard na hindi raw seloso dahil walang reason para magselos.

Rachelle Ann sinusubok ang katatagan ni Slater

Hindi pa boyfriend ni Rachelle Ann Go si Slater Young dahil nanliligaw pa lamang sa kanya ang binata. Masusubok ang tiyaga ni Slater dahil malapit nang pumunta si Rachelle sa London, England at matagal na mawawala  bilang cast member siya ng Miss Saigon.

Long-distance courtship ang mang­yayari at medyo magastos ito. Mapapatunayan ang noble intention ni Slater kay Rachelle kapag naka­paghintay siya sa pagbabalik-bansa ng dalaga, makalipas ang isang taon. 

Joey feel panooring naka-bikini si Rachelle Ann

Direct na ang flight from Manila to London kaya malamang na maraming Pinoy ang manonood ng Miss Saigon kapag nagsimula ito sa May 3.

Wala nang stopover para makarating sa London at malaking ginhawa ito sa mga biyaherong Pinoy na excited sa pagbabalik ng Miss Saigon sa West End.

Isa si Papa Joey de Leon sa mga nagsabi na panonoorin niya ang Miss Saigon dahil bukod sa direct flight na Manila to London, type niya na mapanood na naka-bikini si Rachelle na gagampanan ang papel ni Gigi, ang bar girl na unang ginampanan ni Isay Alvarez. At dahil bar girl, required si Rachelle na magsuot ng two-piece bikini.

Mga motorista kailangang magbaon ng pasensiya sa Skyway Stage 3

Good luck sa mga motorista dahil magsisimula ngayong gabi ang construction ng Skyway Stage 3 na magdurugtong sa SLEX at NLEX.

Maganda ang project pero kailangang magdusa sa loob ng dalawang taon ang mga motorista at pasahero dahil magiging bahagi ng buhay natin ang matinding trapik sa Metro Manila.

Ang sabi nga kahapon sa Saksi, dapat magbaon ng maraming pasensiya ang lahat dahil tiyak na daranas ang lahat ng pagdurusa na sasabayan pa ng mainit na panahon.

                                          

vuukle comment

BIMBY

DAHIL

MICHELA

MISS SAIGON

RACHELLE

RACHELLE ANN

SKYWAY STAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with