^

Pang Movies

Kaya naman namamayat: Shalala kayod marino pa rin para sa siyam na kapatid na binubuhay

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Malayo pa ang showing ng first indie film ni Shalala pero abala na ito sa pagpo-promote ng Etchocerang Frog.

Tuwang-tuwa rin si Shalala dahil maraming sikat ang pumayag na makasama sa movie. Kahit siya ay nagtataka kung paano napagkasya ang tambak na mga artista sa kanyang pelikula na ang ilan ay sina Jacklyn Jose, Tonton Gutierrez, Alvin Patrimonio pati na ang anak nito na si Angelo, Direk Joey Reyes, Mon Confiado, Perla Bautista, Empoy, Dennis Padilla, John Nite, si Kiray na bestfriend niya sa movie, at siyempre hindi mawawala si Kuya “Germs” Moreno na si Shalala mismo ang nag-request sa manager niyang si Noel Ferrer na isama dahil ito ang mentor niya at naka-discover sa kanya. Meron pa siyang mga special guest na thankful siyang isiningit din ni Direk Joven Tan na director ng kanyang indie movie.

Ang laki nang ipinayat ni Shalala dahil nagkasakit ito sa sobrang lagare sa trabaho. Nag-advise ang kanyang doctor na natural medicine ang kanyang i-take tulad nang purong kalamansi lang ang inumin at gulay naman ang kanyang kainin para kahit paano ay healthy pa rin siya dahil nga hatinggabi ang simula ng kanyang radio show sa Radyo 5 na nagsisimula 12 midnight hanggang 2:30 a.m.  Meron pa siyang 10: a.m. kinabukasan na Showbiz Police twice a week na ka-alternate ng Morning Club; isinama pa rin siya sa Madam Chairman show ni Mega Sharon Cuneta.

Kaya dapat pagdating 5 p.m. to 6 p.m. dapat tulog na siya at gising siya ng 11 ng gabi.

Hindi raw siya puwedeng magpahinga dahil nine silang magkakapatid at pito o limang pamilya rito ay happy siyang tinutulungan ang mga ito.

Katunayan bukod sa napaayos na niya ang kanilang bahay na ang iba sa kanyang mga kapatid ay nakatira rito ay nagbukas din siya ng grocery kahapon para sama-sama silang magtulungan sa ganitong negosyo at mabigyan ng pangkabuhayan ang kanyang pamilya. Nagsimula siyang bumili ng itlog na binibili pa niya sa Batangas na dinagdagan pa niya ng mga softdrinks na paninda.

Kaya sobrang happy si Shalala sa kanyang mga blessings na sini-share niya sa kanyang pamilya para kahit paano ay may makukunan silang pagkain sa araw-araw.

Ang Etchoserang Frog ang naisip na title ng kanyang manager na palabas sa mga sinehan sa April 19.

vuukle comment

ALVIN PATRIMONIO

ANG ETCHOSERANG FROG

DENNIS PADILLA

DIREK JOEY REYES

DIREK JOVEN TAN

ETCHOCERANG FROG

JACKLYN JOSE

JOHN NITE

KANYANG

SHALALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with