^

Pang Movies

Mga dating may hawak kay Coco, proud na proud

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang malaking sugal din ang mag-produce ng pelikula, kaya naging wise ang bagong teleserye king na kumuha ng artistang puwedeng maipagmalaki ang gagawin niyang Padre de Familia. Maging noong araw na nasa Pampanga pa ang actor, matindi na ang paghanga niya kay Nora Aunor. Na siya namang nakatataba ng puso para kay Guy. Hindi naman natatakot si Coco na humarap kay Guy sa pag-arte dahil kahit paano, nakatulong ng malaki ang mga bigating seryeng nagawa niya sa ABS CBN. Nakaharap na niya ang mga batikang stars like Susan Roces, Helen Gamboa, Dante Rivero, at iba pa.

Napupuri rin ni Susan si Coco sa pag-arte nito. Dibdiban daw kasi at kinakarir talaga ang mga roles. Gusto naming kamayan ang mga dating kakilala ni Coco na tumulong sa kanya noon na sina Ehman Isturco at Coco Simo. Hindi nila akalaing ang pinagpaguran nilang artistang kasa-kasama noon sa raket ay isang bigating star na at producer pa. Wala nga namang makapagsasabi kung ano ang kapalaran ng tao. Malaking tulong din si Direk Briliante Mendoza sa pagbibigay tiwala kay Coco, na walang pumapansin noon.

Camille lagi na lang makak Alimutin

Napapansin na tuwing may seryeng gingawa si Camille Pratts ay palagi na lang nakalilimot sa sarili ang role. Sa Munting Heredera, hindi niya alam kung sino siya, bilang asawa ni Raymart Santiago. Sa Borrowed Wife naman, si TJ Trinidad ang kapareha ni Camille at naguguluhan din sa kanya. Mabuti na lang, hindi nakakalimutan ni Camille na galing siya sa ABS-CBN at doon nahubog bilang isang magaling na artista.

PERSONAL

Kasama ang Barangay Konsehals ng Subic, Baliuag, na-invite kaming mag-judge sa isang event, Baliuag Got Talent. Kasama ko sina Konsehal Nerie San Juan, Ica Dela Merced, Erlinda Garcia, isang guro at pangulo ng kapistahang balik-bayan na si Rafael Maglonzo noong February 11.

Dumating ang butihing Mayor ng Baliuag na si Dra. Carolina Delloza kasama ang kanyang kabiyak na si Sir James Delloza, na nagkataong kaarawan rin niya. Pinasaya nila ang mga taga-Subic, nagkaroon ng sayawan at nagpaagaw pa ng pera sa mga bata. Kumbaga share your blessings nga. Abala naman ang Barangay Chairman na si Allan Bautista na katuwang sina Mon Maglonzo, at iba pa. Sobrang saya ang nadama nila dahil sampung taon ding hindi nakapagselebra ang mga tao ng tulad nito. Sa inyong lahat happy fiesta mula sa PM (PANG-MASA).                                

vuukle comment

ALLAN BAUTISTA

BALIUAG

BALIUAG GOT TALENT

BARANGAY CHAIRMAN

BARANGAY KONSEHALS

CAMILLE

CAMILLE PRATTS

CAROLINA DELLOZA

COCO SIMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with