^

Pang Movies

Paghahabol ng FAP sa MMDA natabunan na

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi na pinag-uusapan ang paghahabol ng Film Academy of the Philippines (FAP) doon sa perang hindi naibigay ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa beneficiaries ng Metro Manila Film Festival. Base ang reklamo sa Commission on Audit (COA) report na nagsasabing nagkulang ang ahensiya simula noong 2003 ng mahigit na 80 milyong piso sa beneficiaries.

Concerned diyan ang maraming artista, tekniko, at iba pang manggagawa ng pelikula at telebisyon.

Pero ang mas pinag-uusapan na ay ang pagkakagulpi lamang kay Vhong Navarro sa isang condo.

Angel mabilis sa mga nangyaring landslide sa leyte

Nakita namin ang sunud-sunod na postings ng aktres na si Angel Locsin tungkol sa nangyaring landslide sa Maasin, Leyte. Sinabi rin niyang may bahagi ng Maharlika Highway at iba pang mga pangunahing lansangan na hindi na maaaring daanan kahit na anong uri ng sasakyan. We bet nauna pa siya sa balita kaysa sa maraming reporters. Panay ang post ni Angel ng mga development habang pauwi siya mula sa Pangasinan kung saan may taping daw siya.

Obviously, nakakatanggap si Angel ng updates mula sa Philippine Red Cross na siya naman niyang inilalagay sa kanyang social networking account. Si Angel kasi ay isang aktibong volunteer ng Philippine National Red Cross, and we mean volunteer talaga. Hindi kagaya ng iba na volunteer lamang para sa picture-taking.

Pero ano ang saysay ng postings ni Angel?

Obviously, maraming ibang volunteers ng Red Cross ang followers niya kaya nakapaghahanda sila kung ano ang kailangang gawin. Iyong mga nasa area, nagiging aware na kailangang kumilos na sila. Iyon namang malalayo kagaya nga halimbawa ni Angel, nakapag-iisip na sila kung paano makakatulong sa mga biktima at pagagaanin ang trabaho ng mga volunteer sa disaster area.

Marami rin namang fans si Angel at kung makikita nila na ang kanilang favorite actress ay concerned sa ganoong pangyayari, malamang umisip din sila ng paraan para sila makatulong. Marami rin namang mga kaibigan si Angel at mga kumpanyang siya ang endorser na mabilis na makakapagpadala ng tulong.

Kaya nga napakalaking bagay ang ginagawa ni Angel, wala man siya mismo sa disaster area. Noon nga lang kasagsagan ng bagyong Haiyan, si Angel, kasama ng maraming karaniwang volunteers ay katulong na naghanda ng relief packages para sa mga biktima.

Bimby kawawa sa mga nagbabangayang magulang

Nagrereklamo na si James Yap na limang buwan na niyang hindi nakikita ang kanyang anak. Paano nga niyang makikita eh pinagawa ang bata ng pelikula? ’Tapos dinala naman sa abroad ng kanyang ina. Talagang kahit na nga sabihing iniutos na ng korte ang pagbibigay ng karapatan kay James na madalaw at makasama rin ang kanyang anak dalawang beses isang linggo, marami namang paraan para mabalewala iyon. Kung natatandaan ninyo, bago namatay si Frank Chavez, talagang tinututulan pa nila ang visiting rights ni James.

Ang kawawa riyan, hindi si James kundi ang anak niyang si James “Bimby” Yap, Jr. Nawawalan iyon ng pagkalinga ng isang ama. Eh si James mag-asawa lang ’yan ulit at magkaroon ng anak siguro okay na eh. Ang bata maaari bang magkaroon ng bagong tatay? May makakasundo bang lalaki ang kanyang inang si Kris Aquino para tumayong tatay niya?

 

vuukle comment

ANGEL

ANGEL LOCSIN

BIMBY

FILM ACADEMY OF THE PHILIPPINES

FRANK CHAVEZ

JAMES YAP

JR. NAWAWALAN

KRIS AQUINO

MAHARLIKA HIGHWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with