^

Pang Movies

Deniece Cornejo dadalirutin ng korte kung paano ‘ni-rape’

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi biru-biro ang magsampa ng kasong rape. Sinasabi nga noong araw na ang magsampa ng isang kasong rape ay isang “matinding ordeal”. Maraming nakakahiyang sitwasyon sa pagdinig ng ganyang kaso, kagaya nang paulit-ulit na pagdedetalye kung anuman ang nangyari, ang paghaharap ng pagsusuri hanggang sa mga pribadong bahagi ng katawan, at marami pang iba. Iyan ay bukod pa nga sa masasabing biktima ka ng rape.

Iyon ang dahilan kung bakit kahit noon pa ay maraming biktima ng panggagahasa ang hindi naghaharap ng pormal na reklamo. Sinasabi nilang ayaw na nilang madagdagan pa ang kanilang kahihiyan. Naniniwala silang mas mabuting maitago na lang iyon kaysa mabuksan pa sa mata ng publiko ang nangyari sa kanila.

Natatandaan namin dati, may isang si­kat na television personality na naging bik­tima rin ng rape pero nanahimik na lang. Kaya nga masasabing kahanga-hanga ang mga babaeng kagaya nina Annabelle Huggins at Maggie dela Riva noon na ipinag­laban ang kanilang karangalan.

Ngayon, dahil sa takbo ng mga pangyayari at dahil naiipit na rin siguro si Deniece Millinette Cornejo, nagsampa na siya ng kasong rape laban sa komedyanteng si Vhong Navarro. Nagsampa rin naman ng kasong illegal detention at serious physical injuries ang aktor laban kay Deniece at iba pang ka­sangkot sa kaso. Mahabang labanan ’yan sa korte.

Maraming mapagdadaanang problema ang mo­del na umaalma. Ngayon pa lang nga ay mara­ming bashers na bumabanat sa kanya sa Internet. Sa pag­daan ng mga araw, lalo pang titindi ’yang pagsisimula ng hearing ng kanilang mga kaso. Para sa iba, mayroon na silang pre-judgment sa mga kaso. Baba­lik-balikan ang mga pangyayari, at ang sinasabing naganap na sexual encounter sa kanilang dalawa ni Vhong. Mahirap ang kaso para kay Deniece pero sinabi niyang ipaglalaban niya ang kanyang karangalan at ang pangalan ng kanyang pamilya. Gano’n din naman siguro ang hangarin ni Vhong.

Phil durug-durog sa bintang na pagbubuntis ng ex

Sa totoo lang, nakakaawa rin naman ang sitwas­yon ngayon ni Phil Younghusband. Siguro nga na­na­nahimik ang kanyang buhay, walang nakikialam sa kanya, at enjoy siya sa paglalaro ng football at pagiging isang modelo pa, pero na-in love siya sa isa pang sikat na celebrity, si Angel Locsin, at doon na nagsimulang mabuksan sa publiko ang kanyang buhay.

Sa ngayon, kahit na ang totoo ay wala naman siyang kinalaman sa showbusiness, laging sangkot sa mga usapang showbiz ang kanyang pangalan, kahit na nga ilang buwan na rin naman silang nag-split ni Angel. Wala ka namang magagawa dahil nasangkot nga siya sa isa sa mga pinakasikat na female stars sa kasalukuyan.

Ngayon ay maraming bashers si Phil dahil sinasabing ang dahilan ng breakup nila ni Angel ay dahil nabuntis niya ang isang dating girlfriend niya, na hindi naman pala totoo. Kawawa naman si Phil at gano’n din ang dati niyang girlfriend.

Happy Chinese New Year!

Happy Chinese New Year ang bati namin sa inyo today. Sa wikang Tsino, ang “happy new year” ay “xin nian kuai le.” Ang madalas na sinasabing “gong xi fa cai” ay “binabati kita at sana yumaman ka.”

Malaki ang pagkakaiba sa kaugalian sa pagbati. Ang happy new year talaga, iyan ang karaniwan sa mga gumagamit ng national language nila, Mandarin. Iyong isa naman naging kaugalian na ng mga Cantonese. Dito sa ating bansa karamihan ng mga Chinese ay Fookien, Amoy, o Cantonese.

 

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ANNABELLE HUGGINS

DENIECE

DENIECE MILLINETTE CORNEJO

HAPPY CHINESE NEW YEAR

NAMAN

NGAYON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with