^

Pang Movies

Justin Bieber inirereklamo ng kapitbahay sa pambabato ng itlog

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi magandang balita ang lumabas tungkol kay Justin Bieber. Kung noong mga nakaraang buwan ay napakaganda ng mga balitang naririnig natin, dahil sa ginawa niyang pagtulong at pagdalaw sa mga kababayan nating sinalanta ng bagong Haiyan, ngayon naman inireklamo siya dahil sa pambabato ng itlog sa kanyang kapitbahay.

Ang ebidensiya raw ay nakunan pa siya ng video ng kapitbahay niya habang nagmumura at binabato sila ng itlog. Bakit naman ganyan.

Manilyn tahimik ang buhay may asawa

Siguro nga masasabi nating kahit na sa palagay ng iba ay mabilisan din ang kanilang love affair noong araw, dahil nag-propose lang si Aljon Jime­nez ng kasal kay Manilyn Reynes sa isang TV show nila, hindi talaga ganoon kabilis iyon. Matagal na silang mag-on bago nangyari ang kasalan, at talagang nagkaroon sila ng panahon na makilala ang isa’t isa at mapag-aralan ang kanilang ugali. Nagkaroon sila ng mahabang ligawan.

Siguro nga iyon ang dahilan kung bakit masasa­bing sila ay kabilang na sa mga tinatawag na successful marriage sa show­business. Hindi mo rin marinig na nag-aaway sila, bagama’t inaamin naman nila na sa pagsasamahan hindi naalis kahit na minsan iyong samaan ng loob, pero pinag-uusapan nila iyon agad at hindi pinatatagal.

Isa pa, makikita mo sa kanilang dalawa ang pagsisikap sa kanilang buhay. Naalala nga namin, mayroon pang time na nagkaroon sila ng food cart noon sa Star City, at dahil kadalasan ay sila nga mismo ni Aljon ang nagbabantay, pinipilahan talaga ang food cart nila, at kasama na siyempre roon ang pagpapa-picture ng mga fans na kasama sila.

Pero noon nga, marami ang nagsasabi, talagang maganda ang kanilang samahan at ginagawa nilang simple lamang ang kanilang buhay.

Isa pa, hindi nangyari sa kanila iyong karaniwang silent competition ng mag-asawa kung pareho silang nasa showbusiness. Hanggang ngayon ay pa­tuloy pa rin naman si Manilyn sa kanyang showbiz career samantalang si Aljon ay piniling umiba ng linya at nag-asikaso ng kanilang negosyo. Kung tutuusin iyong hitsurang iyon ni Aljon kahit na ngayon, at dahil may talent naman siya talaga, maaari niyang ipagpatuloy ang kanyang pagiging artista, pero umiba na nga siya ng linya. Iyon ang dahilan kung bakit matibay ang kanilang pamilya.

Nasabi rin ni Manilyn na nalulungkot siya basta nakakarinig siya ng hiwalayan ng mga showbiz couples.

OFW nagbigay ng dangal sa Bansa

Ang Pilipinang OFW na nagtatrabaho sa Middle East bilang isang caregiver, si Rose Fostanes, ang nanalo sa unang X Factor Israel. Nanalo siya ng grand prize sa finals nang awitin niya ang klasikong My Way kasaliw ng isang orchestra.

Tingnan nga naman ninyo ang talent ng mga Pilipino. Hindi lamang mahusay na caregiver si Osang napatunayan pa niyang magaling siyang kumanta. Isipin mo iyong puro mga talented din naman ang tinalo niya sa contest na iyon. Malaking karangalan iyan para sa Pilipinas.

Ang mga ganyang bagay ang nakapagbibigay sa atin ng mabuting image sa abroad, kahit na nga ba­lita ring talamak ang corruption sa ating gobyerno.

vuukle comment

ALJON

ALJON JIME

ANG PILIPINANG

KANILANG

MANILYN

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with