^

Pang Movies

Sexy starlet nahawa na sa katakawan sa alak ng actor na dyowa

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Naging lasengga ang sexy starlet dahil sa kanyang boozing actor boyfriend. Patikim-tikim lang noong una pero habang tumatagal, malakas na ring lumaklak ng alak ang aktres.

Minsan after ng tomaan, umuwi sa bahay ng aktor na kasama ang sexy. Galit na galit siya na hindi agad binuksan ng kasambahay ang gate ng bahay.

Langung-lango na, binato niya ng bote ang gate at nagsisigaw. Nagising ang mga neighbors sa iskandalo!

Endorsement ng catholic group sa calungsod, super late na

Sobrang late ang pagkakuha o pagkabigay sa Pedro Calungsod movie ng suporta ng isang Ca­tho­lic group na panoorin ang pelikula tungkol sa second Filipino Saint.

Matatapos na ang Metro Manila Film Festival (MMFF) nang lumabas sa mga diyaryo ang recommendation kaya’t hindi na gaanong nakatulong. May kabagalan din kasi si Direk Francis Villacorta at mga kasama. Dapat bago pa magsimula ang filmfest ay nakuha na nila ang mga endorsement ng mara­ming Catholic groups, para kahit paano ay nadagdagan ang mga nanood sa pelikulang higit na bagay ipinalabas sa Holy Week.

Baka puwedeng magkaroon ulit ng playdate sa Semana Santa.

Aiza hindi tinitigilan ang pagpapayo kay Ryzza

Ang payo ni Aiza Seguerra kay Ryzza Mae Dizon, ang patuloy na to improve herself para tumagal sa eksena. Marami pang ibinigay na advice si Kuya Aiza.

Ang hindi sigurado, kung naintindihan siya ng bagong child wonder kahit sabihin pang advanced ang intelligent na bata. Puwede ring hindi gaanong matandaan ni Ryzza Mae ang mga ipinayo sa kanya.

Shamcey may problema sa balahibo

Inamin ni Shamcey Supsup na siya ay sobrang balbon. Kaya nang magsimula siyang mag-join sa beauty contest, kailangan mag-wax siya ng balat upang kuminis. Pati mukha niya kasali.

It is so much a painful process, lalo na sa parteng mukha, ayon sa bagong kasal.

Pati ang kanyang pag-a-apply ng make-up, naiba. Say ni Shamcey, iba ang make-up ng beauty queen. Kailangang ibang brand ang gamit niya at may ibang paraan din ng paglalagay.

Direk Joyce disaster ang tingin sa pork barrel scam

 Ang mga bagyo at lindol ay kabilang sa natural disasters, ayon kay Direktor Joyce Bernal.

Para sa multi-awardee, man-made disaster naman ang pork barrel scam.

Patti Austin sinagot ang mga kagamitan sa mga ipagagawang bahay ng Habitat

Ang nakaraang benefit show ni Patti Austin for Habitat for Humanity ay magbibigay ng interior design from the said group para sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Matipid ang nasabing design, kaya’t hindi kailangang gumasta ng malaki.

Si Patti naman, mga furniture ang dadalhin na designed at made by her Cebuana friend Marguerite Lhuillier. Matitibay ang mga kasangkapan sa murang halaga.

Aktres nakapag-iwan ng masamang espiritu sa antique shop

Ang taklesang aktres biglang nagsalita habang nasa loob ng antique shop: “Naku, hindi ako bumibili ng mga lumang kasangkapan. Merong mga masamang ispiritu ang mga ’yan at baka madala ko pa sa aming bahay.”

Ang hindi alam ng aktres, siya ang tila sinapian ng bad spirit at baka naiwan niya sa mga antique!

Angel at Maja inaabangan sa kabugan

Parehong mahusay umarte sina Maja Salvador at Angel Locsin at hindi nila gustong magsapawan sa isang palabas. Ang fans lang naman ang maingay sa pagkukumpara sa kanilang acting in The Legal Wife, kaya magkakaroon ng dagdag na publicity ang show.

Kung may pagkakataon na lumabas na ang isa ay nagnakaw ng eksena, hindi ito sinadya. Hiningi lang ng kanilang papel na ginampanan. Pati ang mga actor sa teleserye, inaabangan ding magkabugan!

 

 

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ANGEL LOCSIN

PATI

PATTI AUSTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with