^

Pang Movies

Joyce tututok na sa trabaho

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Inamin ni Joyce Ching na halos tatlong taon din silang naging mag-nobyo ni Kristoffer Martin. Pero kamakailan ay naghiwalay ang dalawa at ayaw nilang sabihin ang dahilan.

Ang masakit pa, ang aktor ang nakipag-break sa aktres kaya nasasaktan siya kapag naaalala ang dating boyfriend. Mabuti na lang at nalilibang at busy ito sa trabaho na nagsisilbing therapy kay Joyce.

Noong una ay naiilang siya kay Kristoffer pero kalaunan ay nasanay na rin. Magtatambal muli ang dalawa sa Paraiso Mo ay Akin o Isla (working title) at gusto naman ni Joyce na manatili ang kanilang pagkakaibigan.

Malaking bagay din na napasama siya sa suspense-thriller na Dormitoryo dahil nahasa rin siya sa pag-arte. Naging problema niya ay kung paano umarte sa nakakatakot na eksena. Tinuruan siya ng direktor kung paano atakihin ang karakter na ginagampanan.

Natutuwa si Joyce dahil sunud-sunod ang kanyang mga proyekto sa GMA 7 kaya wala munang kapalit si Kristoffer.

‘‘Bata pa naman ako at makapaghihintay ang pag-ibig sa tamang panahon. Concentrate muna ako sa aking trabaho,” sabi ni Joyce.

RPN 9 umaarangkada

Naimbitahan kami sa Christmas party ng RPN 9 ng presidenteng si Robert Rivera. Masaya ang kanilang kainan at programa na napasayaw pa ang executive. Dati na siyang magaling na dancer at hanggang ngayon ay wala pa ring kupas sa pagsasayaw.

Umawit din ang kanyang anak na lalaking si Constantine at katulong sa pag-aasikaso ng mga bisita ang magandang asawang si Elyza.

Nagparinig ng mga awiting a capella ang mga nanalo sa inilunsad nilang paligsahan sa pag-awit na Boses. Ang gagaling talaga ng blending ng trio na mula pa sa Zamboanga.

Natutuwa naman ang Solar Entertainment boss na si Wilson Tieng, special guest ng gabing iyon, na dahil sa mahusay na pamalalakad ni Robert ay matagumpay na ngayon ang network.

 

vuukle comment

BATA

CONSTANTINE

DATI

KRISTOFFER

KRISTOFFER MARTIN

NATUTUWA

PARAISO MO

ROBERT RIVERA

SOLAR ENTERTAINMENT

WILSON TIENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with