^

Pang Movies

Supermodel Naomi Campbell pumayag ibenta ang litrato para sa mga winasak ng Yolanda

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi nagdalawang-isip ang British Supermodel na si Naomi Campbell na ipagamit niya ang isang photo niya para maka-raise ng funds ang half-Filipino photographer na si John-Paul Pietrus para sa mga naging biktima ng Typhoon Yolanda sa Pilipinas.

Ang nasabing photo ni Campbell ay ipi-print in series at pipirmahan mismo ni Naomi which will be sold for 20 pounds each. Ang malilikom sa sales ng photo ay mapupunta sa Red Cross disaster fund.

Sobrang nalungkot si Pietrus nang mapanood niya sa Red Cross website ang nangyaring disaster na iniwan ng bagyong Yolanda sa Pilipinas, lalo na sa Tacloban City.

Nag-isip tuloy siya ng paraan kung paano maka-raise ng funds para makatulong siya sa kanyang mga kababayan. Mabuti na lang daw at mabilis na pumayag si Naomi Campbell sa kanyang hangad na pagtulong sa mga Pinoy.

“I chose this photo of Naomi as I think she is a very inspirational and beautiful figure, and she looks so peaceful here—something I would like the victims to find, a peace,” sey ni Pietrus sa kanyang interview sa Vogue magazine.

“I was on the Red Cross website and thought that there must be something more that I can do than a personal donation, not only to raise money but to raise awareness.  

“I immediately called Naomi to see what can be done and she suggested selling one of the images we’ve taken for charity.”

May sariling charitable foundation si Naomi called Fashion For Relief na tinatag niya noong 2005 nang tumulong siya sa mga naging biktima ng Hurricane Katrina.

Simula noon ay naging advocacy na nga ng supermodel na tumulong sa mga bansang nangangailangan.

“Fortunately most of my family has been spared any misfortune. However, my aunt’s hometown was completely destroyed and flattened to the ground, and she has lost a lot of things dear to her, including friends,” dagdag pa ni Pietrus.

To purchase a print of Naomi’s photo, go to http://www.johnpaulpietrus.com/

Kristoffer nanghihinayang, hindi na makakasama si Julie Anne

Magtatapos na sa Biyernes ang primetime series na Kahit Nasaan Ka Man na pinagbibidahan ng mga Kapuso tween stars na sina Julie Anne San Jose at Kristoffer Martin.

Maganda ang naging takbo ng te­leserye ng dalawa kaya hindi maiwasan na malungkot sila sa nalalapit na pagtatapos nito.

Nagpapasalamat si Kristoffer dahil sa magandang break na binigay sa kanila ni Julie Anne ng GMA-7 na gawin silang bida sa primetime block.

Wish sana ng Kapuso tween actor na mabigyan pa ng extension ang Kahit Nasaan Ka Man dahil marami pa raw silang puwedeng maikuwento na magugustuhan ng mga manonood nila.

“Siyempre inasam ko rin na sana ma-extend, pero hanggang dun lang talaga eh.

“Nanghinayang ako sa story kasi ang ganda. Marami pang puwedeng mangyari sa mga characters namin.”

Sa simula pa lang ng teleserye ay may mga hindi nakatanggap agad sa tambalan nila Kristoffer at Julie Anne.

Na-identify kasi si Julie Anne sa ka-loveteam nitong si Elmo Magalona. Kaya mostly mga JuliElmo fans ang mga nag-react sa tambalang ito.

Pero during the run ng Kahit Nasaan Ka Man, ramdam naman ni Kristoffer na may mga fans na sumang-ayon na sa pag-partner niya kay Julie Anne.

 

vuukle comment

BRITISH SUPERMODEL

ELMO MAGALONA

JULIE ANNE

KAHIT NASAAN KA MAN

KRISTOFFER

NAOMI CAMPBELL

PIETRUS

RED CROSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with