^

Pang Movies

Sarah may isang kulang pa!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natupad na ang pangarap ni Sarah Geronimo na makasama si Regine Velasquez sa isang concert. Magaganap ito sa kanyang 10th anniversary concert na Perfect 10 sa Smart Araneta Coliseum. But, take note, na hindi lang si Regine ang big-time performer na magiging guest kundi pati na rin ang world-class artist na si Lea Salonga.

Sa totoo lang, beybing-baby pa si Sarah nang makasama si Regine hindi bilang co-performer kundi bilang isang contestant sa Star in a Million. Sariwang-sariwa pa ang boses ng Pop Princess dati nang manalo but look where she is now? Multi-faceted na ang kanyang talent!

Kulang na nga lang ang magkaroon ng bagong inspirasyon ngayon si Sarah, ’di ba?

Alice ayaw patalbog kina Cristine at Andi

Siguradong hindi patatalbog si Alice Dixson sa iba pang female leads na sina Cristine Reyes at Andi Eigenmann sa pelikulang When Love Is Gone. After all, kahit senior sa dalawa, may asim pa rin naman si Alice at hindi basta patatalo sa dalawang mas bata sa kanya.

Of course, hindi lang naman kaseksihan ang pang-attract ng movie. Asahan din ang malulutong na dayalog na naging tatak na rin ng Viva sa mga nakaraan nilang love triangle movies gaya ng No Other Woman at iba pa.

Paolo at Raymart ibabalik na ang totoong drama

Buti naman at nabigyan ng drama series si Paolo Contis matapos magkontrabida at magpakomedyante sa ilang shows ng GMA.

Magaling namang artista si Paolo at child actor pa lang ay awardee na. Na-typecast nga lang siya sa kontrabida at nang mapasama sa show ni Manny Pacquiao ay nagpakuwela naman.

Kaya naman refreshing ang dating ni Paolo sa Villa Quintana. Nagagamit niya ang husay niya sa aktingan lalo na nga’t magaling din ang kasama niya sa series na si Sunshine Dizon.

Maging si Raymart Santiago ay sumabak din sa drama sa kanilang serye. Good for him dahil tama na ’yung paglabas niya sa mga family drama na hindi masyadong nailalabas ang kanyang galing bilang artista.

                                                              

 

vuukle comment

ALICE DIXSON

ANDI EIGENMANN

CRISTINE REYES

LEA SALONGA

NO OTHER WOMAN

PAOLO CONTIS

POP PRINCESS

RAYMART SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with