^

Pang Movies

Korean actress Jinri Park dyowa na si Ramon Bautista

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagkatotoo na raw ang nagsimulang pagbibiro na may relasyon ang Korean radio jock, model, and actress na si Jinri Park at ang comedian, TV host, book author, and self-proclaimed “Internet Action Star” na si Ramon Bautista.

Nagsimula ang lahat sa isang biruan noong mag-guest si Jinri sa talk show ni Edu Manzano na What’s Up Doods? sa TV5.

Nakatrabaho pala ng Korean actress si Ramon sa isang radio show noon kaya nakilala niya ito ng husto.

Tinanong naman siya ni Doods kung gaano ka-attractive sa kanya ang comedian na si Ramon.

Sagot ni Jinri: “On a scale of one to ten — ten being the highest — I would say eight.

“I’m not the type who goes for physical looks… He’s so funny. And he’s very smart, too.”

Nabanggit pa niya na ang ideal boyfriend niya ay dapat “Asian, musically-inclined, clingy, and funny.” Kaya pasok si Ramon sa mga qualification na iyon.

Dagdag pa ng Koreana, nasabi rin ni Jinri noon na makikipag-date siya kay Ramon kung yayayain siya nito.

Nakadagdag pa sa “pogi points” ni Ramon ang mga sinabi na iyon ni Jinri. Inamin ni Ramon sa isang interview na matagal na siyang may crush kay Jinri noong nagkasama nga sila sa isang radio show.

Ngayon ay ang tawagan na nga nila ay “boyfriend” at “girlfriend” sa Twitter.

Si Jinri naging cover girl ng FHM magazine at napapanood siya sa GMA 7 sitcom na Vampire ang Daddy Ko. Gumaganap siya bilang kapitbahay at love interest ni Vic Sotto.

Si Ramon naman napapanood noon bilang news anchor ng satirical news program na May Tamang Balita ng GMA News TV at Laugh Out Loud ng ABS-CBN.

Lumabas na rin siya sa ilang pelikula na ang huli ay Tiktik: The Aswang Chronicles at Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? na siya mismo ang book author.

 Aga sumubok ng bago kahit natatakot

Kitang-kita na nag-e-enjoy si Aga Muhlach sa kanyang pamamalagi sa TV5 dahil dalawang shows ang kanyang ginagawa nang sabay.

Una rito ay ang Pinoy Explorer at ang pangalawa ay ang game show na Let’s Ask Pilipinas na franchised US game show na Let’s Ask America.

Sa naganap ngang trade launch ng TV5 para sa mga bagong primetime shows sa NBC Tent last Oct. 2, nakapanayam namin si Aga at hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mukha dahil sa sobrang kasayahan sa mga show na ibinigay sa kanya.

“Oo masaya tayo. Iba ang feeling natin ngayon. Mas alam mong may direksiyon na ang lahat. Wala naman tayong naging reklamo sa paglipat natin sa TV5. Lahat ng suporta ay ibinigay nila sa atin.

“Kita n’yo naman may Sharon Cuneta, Ogie Alcasid, Edu Manzano, Joey de Leon, Derek Ramsay, Paolo Bediones, at ang dami pang mga bagong mukha na makikilala nila sa mga magagandang show na kinonsepto ng TV5.

“Kaya if you see me happy kasi totoo ito — masayang-masaya talaga tayo ngayon,” sabi ng aktor.

Sa Let’s Ask Pilipinas, first time na magiging isang game show master si Aga kaya kinakabahan ito. Binisita pa ni Aga ang studio ng Let’s Ask America sa Warner Studio Lot sa US para lang makita at mapanood niya kung paano mag-work ang naturang game show.

“I even met the host of Let’s Ask America na si Kevin Pereira. Natuwa siya noong malaman niya na ako ang Pinoy counterpart niya sa franchise ng game show.

“Very exciting itong show and I am glad na sinubukan ko ito. Ilang taon na nga ba tayo at parang takot pa rin akong sumubok ng ibang bagay?

“Noong unang inalok ito, umayaw ako. I know my limitations. Pero naisip ko rin na bakit naman hindi? I guess this is the time to try new things. It is never too late for change, ’di ba?” masayang pagtatapos pa ni Aga. 

Denise ikakasal na sa basketbolista

Engaged na si Denise Laurel sa kanyang boyfriend na basketball player na si Solomon “Sol” Mercado.

Naganap ang proposal ni Sol kay Denise noong birthday nito noong nakaraang Sept. 30.

Isang square-cut diamond ring ang ibinigay na singsing ng basketball player sa kanyang fiancé.

Masayang-masaya si Denise dahil nahanap na niya ang lalaking magpapasaya sa kanya at sa kanyang two-year-old son na kung tawagin niya ay “li’l warrior.”

Nilinaw ni Denise na hindi si Sol ang ama ng kanyang anak. Hindi pa rin niya nire-reveal kung sino ang ama ng bata. Nasabi lang niya na isang Italian-American ito.

Heto ang tweet ni Denise tungkol sa kanyang engagement:

“I’m still speechless but I got to say the most important word... Yes!... My love @m3rcmywords I thought I was already so blessed having u as a good friend through the years... but God just keeps on blessing us doesn’t he? Lil warrior and I love u with all of our hearts and I know mom dad n the whole gang do as well.”

 

 

vuukle comment

ASK AMERICA

ASK PILIPINAS

DENISE

EDU MANZANO

JINRI

KANYANG

NIYA

RAMON

SHOW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with