^

Pang Movies

Magkaiba raw ang tadhana kay P-Noy: Planong pagkandidato ni Kris inaayawan ng kapatid!

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi pala sumasang-ayon ang kapatid ni Kris Aquino na si Pinky Abellada kung sakaling pasukin nito ang public service at pulitika. Sa interview sa Tapatan ni Tunying sa ABS-CBN ay nasabi ng kanyang ate na hindi siya pabor na sundan Queen of All Media ang yapak ng mga magulang nilang sina Ninoy Aquino at Cory Aquino at pati na si Presidente Noynoy Aquino. Para sa kapatid, sapat na raw siguro ‘yung nakatutulong ito sa tao sa pamamagitan ng kanyang pagiging artista.

“Sana huwag na siyang pumasok sa pulitika. Sana hindi,” sagot ni Pinky.

Ang posisyon, kung sakaling tatakbo nga si Kris, ay bilang presidente ng bansa.

Diin pa nito, “Kasi talagang ‘yung life mo, you have to put it on hold ’di ba? Paano ka naman magwo-work ng regular life? If you look at the bright side, okay din naman, pero sana huwag na siyang mag-politics,” pahayag pa nito.

Matatandaan kasi nitong mga nagdaang buwan ay nasabi ni Kris na kino-consider niyang tumakbo for a public office sa Tarlac, her family’s home province. At bilang pag­hahanda pa nga ay naikuwento pa ng TV host at aktres na dapat ay mag-undergo siya ng on-the-job training with mayors of ‘bonggang’ cities,” citing in particular Davao and Iloilo.

Ayon pa kay Pinky, magkaiba raw ang tadhana ng kanyang kapatid na si PNoy at ni Kris sa larangan ng mundo ng pulitika. Nag-decide raw na tumakbo si Noynoy para sa country’s top post in 2010, pagkatapos ng pagkamatay ng kanilang ina na naging pangulo ng Pilipinas mula taong 1986 to 1992.

“Parang nasa tadhana talaga eh. Hindi naman nila pinangarap, hindi nila ginusto. Iyon nga lang, noong namatay ang dad, naging ang mom, noong namatay ang mom, naging si Noy,” sabi pa ng presidential sister.

Basta ang alam daw niya, maingat daw at pinangangalagaan nila ang pinakamalaking regalo sa kanila ng kanilang mga magulang, walang iba kundi ang legacy na iniwan nila para sa ating bansa.

“Sa pinaghirapan nila, sino sa amin ang sisira no’n? I mean, really, baliw ka na kung gagawin mo ’yon,” sabi pa ni Pinky.    

 

 

 

vuukle comment

CORY AQUINO

DAVAO AND ILOILO

KRIS AQUINO

NINOY AQUINO

PINKY ABELLADA

PRESIDENTE NOYNOY AQUINO

QUEEN OF ALL MEDIA

SANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with