^

Pang Movies

Kamag-anak ng aktor na nagpapaka-low profile, hinihintay umamin sa kanyang kabaklaan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Maling-mali ang mga haka-haka na baklita ang isang young actor. Unfair sa kanya ang tsismis dahil tunay na lalaki siya.

Ang kamag-anak ng young actor ang bading. Na-confuse siguro ang mga intrigera dahil ang young actor ang visible sa showbiz at low profile naman ang kanyang kapamilya.

Walang nakakaalam kung kailan aaminin ng kapamilya ang tunay na sexual preference. Puwedeng sooner, puwedeng later.

Baka maging inspirasyon niya si Wentworth Miller, ang action star na mhin na mhin ang projection pero umamin na bading. Hindi nagulat ang fans ni Wentworth sa kanyang admission. Mas nabigla pa sila nang malaman nila na 41 years old na ang young looking actor na nakilala sa hit TV series na Prison Break.

Aga balik-Pinoy explorer

 Badly hit ng habagat at ni Maring ang Bacoor, Cavite kaya ito ang dinayo kahapon ng mga bossing at artista ng TV5.

Namigay ng relief goods sa mga residente ng Bacoor ang Kapatid stars. Maligayang-maligaya ang mga nasalanta ng kalamidad dahil nakita nila ang kanilang mga favorite star sa pangu­nguna nina Aga Muhlach, Wendell Ramos, at Paolo Bediones. Kahit paano, nabawasan ang loneliness na nararamdaman ng mga taga-Bacoor dahil sa pagbisita ng Kapatid stars.

Pinaghahandaan ni Aga ang pagbabalik sa TV5 ng kanyang weekly show, ang Pinoy Explorer, na pansamantalang nahinto nang kumandidato siya bilang kongresista ng Camarines Sur. Ang pagbisita ni Aga sa New York, USA noong June ang unang episode na mapapanood sa Pinoy Explorer na balik-telebisyon sa September.

Jolo sinagasa ang malalim na baha

Hindi pinabayaan ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla ang kanyang mga kababayan. Ilang araw na sinagasa ni Jolo ang malakas na ulan at ang malalim na baha para matiyak niya na ligtas ang kanyang constituents.

Walang puwedeng magsabi na walang ginawa si Jolo dahil saksi ang mga Caviteño sa pag-iikot at pagbibigay niya ng assistance sa mga biktima ni Maring at ng habagat.

Japanese actor na ka-love team ni Eugene kamukha ng mga anak ni LT

Ang sabi ng mga reporter na dumalo kahapon sa presscon ng Ins­tant Mommy, kalokalike ni Renz Fernandez si Yuki Matsuzaki, ang Japanese actor na love interest ni Eugene Domingo sa pelikula.

I beg to disagree dahil mas kahawig ni Yuki si Rap, ang kuya ni Renz. I should know dahil memoryadung-memor­ya­do ko na ang mukha ng mga anak nina Lorna Tolentino at Rudy Fer­nandez.

Naririto ngayon si Yuki sa Pilipinas dahil tinutulungan niya si Eugene sa promo ng Instant Mommy na ipalalabas sa mga sinehan sa Aug. 28. Tinanggap ni Yuki ang project dahil sa kagustuhan niya na maka­trabaho si Eugene. Type rin ni Yuki ang role niya sa Ins­tant Mommy.

Sharon back to work na, araw sumilip na

Sumilip na kahapon ang araw kaya back to normal ang showbiz. Dalawa ang presscon kahapon, ang Instant Mommy at Pyra, Babaeng Apoy ng GMA 7.

Back to work na rin ang mga artista na kagaya ni Sharon Cuneta dahil nag-resume na ang taping ng kanilang mga teleserye. Mula nang bumuhos ang malakas na ulan, nahinto ang taping ng mga drama series at shooting ng mga pelikula. At least, nagkaroon ng panahon ang mga artista na lumabas mula sa kanilang mga tahanan at tumulong sa relief ope­rations ng mga TV network na kinabibilangan nila.

vuukle comment

BACOOR

DAHIL

INSTANT MOMMY

JOLO

PINOY EXPLORER

SHY

YUKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with