^

Pang Movies

Piolo inaasahan ng mga babaeng may breast cancer

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Kung ang ibang artista at personality ay laging may press release o TV coverage kapag nagbibigay sila ng tulong sa ibang tao, iba naman si Piolo Pascual dahil pareho ang pag-handle niya sa mga intriga at isyu, tatahi-tahimik lang. Ganito rin siya sa pagkakawanggawa dahil meron pala siyang tinutulungan mga kababaihan na may breast cancer at siya mismo ang nagpapagamot.

Ang iba sa kanila ay gumaling na pero meron pa ring nagki-chemo therapy na sagot din ng Kapamilya actor. Bukod pa rito ang mga kabataan na pinag-aaral niya under sa kanyang foundation na Hebreo.

Kaya raw dedma lang si Papa P sa mga intriga dahil ayaw nitong magpadala sa mga isyu o problema dahil mas marami nga sa kanyang umaasa. Kaya pokus at tuloy lang ang aktor sa kanyang trabaho.

Kirot, aral, at kuwela tinuhog

Maraming senior citizens ang makaka-relate at matatawa sa mga linya at kuwento ng pelikulang Tuhog mula sa Star Cinema at Skylight Films.

Napakahusay ni Leo Martinez at ang buo niyang barkada mula sa tipikal nilang kuwentuhan sa pastime nilang paglalaro ng pusoy dos.

Iba naman ang atake ni Eugene Domingo bilang si Fiesta na palaban na kundoktora dahil sa may pinagdadaanan ang kanyang karakter sa dramedy film. 

Breaker naman sa pelikula ang mga character nina Enchong Dee at Empress. Astig na poging driver naman si Jake Cuenca na nilamutak at sinamantala ni Eugene sa halikan sa kanilang mga eksena.

Simpleng plot lang ang Tuhog pero pinag-isipang mabuti ang script na may kirot, pagkakuwela, at aral na makukuha.

Aiza mahahawaan ng int’l appeal ni Charice sa pagsasamahang concert

Marami ang curious sa tambalang Aiza Seguerra at Charice sa kanilang first time na pagsasamang show na The Power of Two Concert sa Sept. 8 sa Smart Araneta Coliseum.

Sa biruan ng dalawang singers, game silang dalawa kung ang ginawang title sana ay Ano’ng Nangyari sa Ating Dalawa? Siyempre catching at nakakatawa sana ang dating ng pamagat kung natuloy dahil nga sa kinalabasan ng pagiging tomboy nila.

Mas marami ang gustong mapanood si Aiza dahil kahit tanggap na ang sitwasyon ni  Charice ay may angas ang dating ng international singer. Pilit at hindi pa natural tingnan ang kanyang kilos. Pero tiyak na mabubura naman ang pagkailang ng mga tao kapag narinig na nila ang walang kupas na boses ni Charice sa stage.

Magsapawan kaya ang dalawang magkakosa sa kanilang concert? Malay natin baka maging daan din ang concert para mapansin sa international scene si Aiza dahil baka masabit siya ni Charice kung sakaling may makasilip na foreign producer sa concert.

 

 

vuukle comment

AIZA

AIZA SEGUERRA

ATING DALAWA

CHARICE

DAHIL

ENCHONG DEE

EUGENE DOMINGO

JAKE CUENCA

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with