^

Pang Movies

Senior actress nakipagbalikan sa tibo nang makipaghiwalay sa asawa!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binalikan daw ng isang senior actress ang dyowa niyang tibo kaya naman walang lalaking nangahas manligaw sa kanya mula nang maghiwalay silang ng asawa.

Pansamantalang naghiwalay ang senior actress at ang tomboy nang lumagay siya sa tahimik at nagkaroon ng anak. Eh napariwara rin ang buhay-asawa niya kaya ang tibo ang naging kandungan niya nung panahong nagdadalamhati siya.

No wonder, mula nang mahiwalay, wala nang lalaki o aktor na umaligid sa kanya. Mas pinili niyang manatili na lang sa poder ng tomboy dahil can afford din naman siyang hindi magtrabaho dahil mula sa pamilya ng mayayaman ang dyombird, huh!

So, no more boys for the senior actress dahil napagsawaan naman niya ito nung kabataan niya!

Kapuso shows umaariba na rin sa Vietnam

Hindi lang pala sa Indonesia at Malaysia mabenta ang mga GMA drama. Umaariba rin ito sa Vietnam sa pamamagitan ng Today TV na member ng Joint Media Corporation na isa sa mga unang Vietnamese TV stations kung saan nagpalabas ng Filipino drama series gaya ng Marimar, Stairway to Heaven, Beauty Queen, The Good Daughter, at Kung Aagawin Mo ang Langit (Losing Heaven). Agad-agad na sumikat ang mga ito na siyang nagbigay-daan para mas marami pang Kapuso shows sa Vietnam TV.

Eh kaugnay ng fifth anniversary ng Vietnam Today TV sa July 18, dadalo roon ang mga bida ng My Husband’s Lover na sina Dennis Trillo at Carla Abellana kasama si Michelle Madrigal. Napanood din kasi roon ang mga iba’t ibang drama na ginawa ng tatlo.

Bukod sa gaganaping anniversary celebration, meron ding fans day ang tatlong Kapuso stars upang bigyan ng pagkakataon ang kanilang Vietnamese fans na makita sila.

Ayon kay Roxanne Barcelona na VP for GMA Worldwide, Inc., mas marami pang Kapuso shows na ipalalabas sa Vietnam gaya ng Sana ay Ikaw Na Nga, Makapiling Kang Muli, Dyesebel, Luna Bianca, One True Love, at Temptation of Wife.

PamHintaserye kinakabog ang mga kalaban

Talbog ang drama shows ng Dos kumpara sa nag-iisa nilang gustong pataubin na My Husband’s Lover ng GMA. Hanggang sa Twitter lang kasi nila nailalabas ang kanilang komento pero ang pink serye naging news item na rin sa 24 Oras, huh! Lumalabas na involved na involved talaga ang taumbayan sa kakaibang love story nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez.

Higit pang lumawak ang audience ng MHL nang mabuking na ni Carla Abellana sina Dennis at Tom! Sumambulat kaya ang ra­tings ng episode na ’yon last Thursday kaya nabaon sa hukay ang ratings ng katapat na show, huh!

Sa totoo lang, nasa momentum ngayon ang primetime programs ng GMA at malaking tulong ang pamhinta-serye na inaabangan ng lahat.

vuukle comment

BEAUTY QUEEN

CARLA ABELLANA

DENNIS TRILLO

GOOD DAUGHTER

IKAW NA NGA

JOINT MEDIA CORPORATION

KAPUSO

KUNG AAGAWIN MO

LOSING HEAVEN

MY HUSBAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with