^

Pang Movies

Jolina tatlong buwan na ang ipinagbubuntis

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Nakausap namin ang aming source na malapit kay Jolina Magdangal at siya mismo ang nagbalita na buntis na nga ang singer-actress. Three months on the family way si Jolens kaya namahinga na muna sa kanyang mga showbiz commitment gaya ng Sunday All Stars tuwing Linggo, na siya ang leader, at Personalan. Nakapag-advance taping na rin ito sa teleseryeng Mundo Mo’y Akin.

First baby nila ni Mark Escueta ang isisilang ni Jolens.

Barbie wish magka-libreng plane ticket pa-Chicago

’Kaaliw kausap si Barbie Forteza nang puntahan namin sa set visit ng TV remake na Ana Karenina. Bagay siya sa role na ginagampanan bilang si Karen na may pagka-kikay at palaban sa kanilang tatlong ampong apo nina Sandy Andolong at Juan Rodrigo.

Siya ang pinaka-close kay Joyce Ching na lumalabas bilang si Nina. Malapit na ang kaarawan ni Barbie, sa July 31, at 16 years old na siya. Mapalad nga siya dahil hindi siya hinihigpitan ng kanyang ina, walang curfew hours. Pero wala pa ring nobyo dahil priority ang career.

‘‘Masarap magtrabaho, work and work muna ang drama ko sa buhay. Hindi naman ako nagmamadaling magdalaga dahil nag-e-enjoy ako sa aking kabataan,’’ aniya.

Ano naman ang gusto niyang matanggap na regalo?

‘‘Naku! Gusto ko ng libreng plane ticket papuntang Chicago para madalaw ko ang aking kapatid,’’ aniya.

Dino ima-manage ang sarili

Nakausap din namin si Dino Guevarra na estranged husband ni Kim delos Santos. Siya ang nasa orihinal na Ana Karenina at ngayon ay kasama uli sa teleserye bilang ama ng nawawalang Ana Karenina.

Nagbabalik-showbiz ito at gustong maging aktibong muli kaya lang ay walang manager, katuwiran niya ay nasa tamang edad na siya para i-manage ang sarili. Hindi sila nagkaanak ni Kim na nasa Amerika na pero may mga anak siya sa ka-live-in partner ngayon.

May business si Dino kasosyo si Bobby Andrews, ang Calamba Auto Sales, na nagte-trade in ng mga brand new car. Meron din siyang Greenland Nature Global Court na supplier naman ng mga puno na kinukuha sa sariling taniman na personal na inaasikaso.

vuukle comment

ANA KARENINA

BARBIE

BARBIE FORTEZA

BOBBY ANDREWS

CALAMBA AUTO SALES

DINO

DINO GUEVARRA

GREENLAND NATURE GLOBAL COURT

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with