^

Pang Movies

Enrique pinagnanasaan tuwing nagsasayaw

- Vinia Vivar - Pang-masa

Hot, sexy, young actor na ang bansag ng iba kay Enrique Gil dahil sa ipinamamalas niyang kaseksihan kapag nagsasayaw. Just recently lang na-discover ng young actor ang talent niyang ito at sa totoo lang, pati kami naman talaga ay humanga sa galing niyang magsayaw.

Alam ba niyang maraming nagnanasa sa kanya kapag sumasayaw siya?

Natawa si Enrique.

“Baka po kasi natutuwa sila kasi sexy lang ‘yung pinasasayaw sa akin,” say niya nang makatsikahan ng entertainment press kamakailan. 

Actually, ayon sa young actor ay hindi naman niya hilig dati ang pagsasayaw. Pero nang matutunan niya ay na-enjoy na niya ito.

Dahil nga sa super hot and sexy si Enrique kapag sumasayaw, inamin niyang nakakatanggap tuloy siya ngayon ng mga tawag at kung anu-ano ang sinasabi sa kanya.

“May mga tumatawag sa cell phone, iba-ibang numbers pero hindi ko sinasagot, meron din sa YouTube. 

“Dati birthday ko, so, sinagot ko ’yung tumatawag, ’tapos nung pag-hello ko, sabi sa akin, ‘Why you’re so hot?’ Kaya binaba ko na rin. Usually hindi naman ako talaga ang sumasagot,” kuwento niya.

Samantala, kasama si Enrique sa bagong ser­yeng Muling Buksan ang Puso with Enchong Dee and Julia Montes at gagampanan niya ang role na anak-mayaman na lumaki sa Amerika at deprived sa maraming bagay dahil may sakit sa puso.

Nakilala niya ang karakter ni Julia na magpapatibok ng kanyang puso na hindi niya alam na gusto rin pala ng karakter ni Enchong at dito magsisimula ang gusot nilang dalawa.

Empress naghahanap pa ng gentleman at responsableng lalaki

Para kay Empress, dream come true ang mapasama siya sa Huwag Ka Lang Mawawala at makatrabaho ang Queen of Teleserye na si Judy Ann Santos.

“Konting eksena pa lang kami (na magkasama sa serye) pero ’yung konting ’yun, sobrang laki na para sa akin,” sabi ni Empress sa kanyang panayam with Boy Abunda sa Ikaw Na segment ng Bandila.

Aminado rin ang young actress na at first ay kinabahan siya talaga sa eksena nila ni Juday at na-starstruck pa siya.

“Pero nung tumagal ay naging happy naman ako kasi sobrang simple ni Ate Juday. Sobrang maalalay siya kapag kaeksena mo,” say pa ni Em.

Natutuwa rin siya at thankful na maganda ang feedback sa serye nila at sana raw ay patuloy pa itong subaybayan ng mga tao.

Bukod dito, nagpapasalamat din si Em sa mga taong bumoto sa kanya para mapasama sa Top 10 ng FHM’s Sexiest.

“At siyempre, happy naman po ako na ganun ang tingin nila sa akin kasi kasabay na rin po ‘yan sa pagiging mature,” say pa ni Em.

Nahihilig pala siya ngayon sa pag-e-exercise kaya naman pala marami ang nakakapansin na sume-sexy siya lalo.

“Nagwu-work out ako kapag walang taping o work. ’Tapos konting diet. Para s’yang CrossFit pero lighter naman. Marami siyang exercises... puwedeng naka-squat at iba pa,” sabi ng young actress.

Tinanong siya ni Kuya Boy kung in a relationship siya ngayon at aniya ay hindi, kasalukuyan pang in search for her true love.

Bukod sa Huwag Ka Lang Mawawala, may indie film din si Empress, ang Tuhog with Eugene Domingo at Jake Cuenca under Star Cinema and Skylight Films.

vuukle comment

ATE JUDAY

BOY ABUNDA

BUKOD

ENCHONG DEE AND JULIA MONTES

ENRIQUE

ENRIQUE GIL

HUWAG KA LANG MAWAWALA

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with