^

Pang Movies

Bela ayaw pakawalan ng ina

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - This week na ang finale episode ng Kapuso primetime series na Love & Lies na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez, Michelle Madrigal, at Bela Padilla. Mixed emotions ang dalaga na magtatapos na ito pero super proud siya sa seryeng ito.

Inintriga namin si Bela dahil balitang maiinit ang mga eksena nila rito ni Richard gaya ng kissing scenes nila. Hindi ba siya nadala sa mga ganitong eksena?

 â€œOkay naman. Maganda ’yung eksena. Pero kinabahan ako ng very, very light,” naka-smile niyang say.

Kumusta naman ang mismong halikan nila ni Richard?

“Very tender lang. Hindi siya ’yung parang OA na kissing scene kasi it happened very fast. Siyempre may asawa siya sa story.

“So, actually, ang nangyari, parang nag-imagine lang siya na ako si Michelle kaya niya ako nahalikan. Parang gano’n ang nangyari,” paliwanag ng aktres.

Samantala, regarding naman sa issue na naglabasan tungkol sa kanyang uncle na si Robin Padilla na balitang napapabayaan na nito ang mga anak dahil kay Mariel Rodriguez na lamang ito naka-focus, ipinagtanggol ni Bela ang Tito Robin niya sa bagay na ito.

 â€œAh hindi totoo ’yan, very tutok sa mga anak. Sobra! Basahin ninyo ’yung mga Instagram ni Kylie. Lahat comment nang comment si Tito, ‘Good mor­ning, anak!’

“May mga gano’n, ang sweet ni Tito Robin. Sobrang sweet siya sa mga daughter niya pati kay Ali (Robin’s only son). Kaya ang cute!” reaksiyon ni Bela.

Alam din ni Bela na hindi ito ang dahilan kung bakit solo nang naninirahan si Kylie sa isang condo unit.

Si Bela naman ay hindi kayang magsolo.

“Ay, no, no. I still live with my mom. Papakawalan ako ng mommy ko siguro mga twenty eight pa ako, mga gano’n siguro,” tawa ng 23-year-old Kapuso actress.

 

 

vuukle comment

BELA PADILLA

KAPUSO

MARIEL RODRIGUEZ

MICHELLE MADRIGAL

RICHARD GUTIERREZ

ROBIN PADILLA

SI BELA

TITO ROBIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with