^

Pang Movies

Juday sobra-sobra ang patience

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Inamin ni Judy Ann Santos na magkahalong tuwa at kaba ang naramdaman nang matanggap ang proyektong Huwag Ka Lang Mawawala ng ABS-CBN. Binigyan ito ng bonggang solo presscon at natutuwa dahil sa malaking pagpapahalagang ipinagkaloob sa kanya ng Dos.

Hindi siya apektado sa naglalabasang intriga linking Ryan Agoncillo sa ibang babae. Mas iniisip pa nila ang payment sa bills at pag-aalaga ng mga anak.

“Patience dahil kahit anong mangyari, kahit pa intrigahin ang aming pagsasama ni Juday, nakaka-survive kami,” sabi ni Ryan.

Sinabi naman ni Juday, mahalaga ang love and respect para maging matatag ang kanilang pagsasama ni Ryan.

Direk Ricky nanunuhol ng tsokolate’t sitsirya

Limang taong gulang lang si Miko Zarsadias na kasama sa Mga Basang Sisiw ng GMA. Tinanong naming si Direk Ricky Davao kung may sumpong ba si Miko dahil karaniwang nangyayari ito sa isang bata.

Ayon sa direktor, wala naman siyang sumpong at sakali mang meron, tsokolate lang at sitsirya ang katapat ni Miko.

Enjoy naman ang direktor sa pakikipagtrabaho sa mga batang sina Renz Valerio, Bianca Umali, Kimberly Faye, at Hershey Garcia.

Kahit sa hatinggabi ay si Miko ang nagpapasaya sa grupo. Sabi nga ni Bianca, kapag inaatake siya ng antok ay kakantahan siya ni Miko ng wala sa tono at sasayaw-sayaw pa ito.

Sa istorya, mag-asawa sina Lani Mercado at Raymond Bagatsing. Napaniwala ni Maxene Magalona si Lani na may affair sila ng asawa kaya naglayas ito kasama ang limang bata. Kaso nagkaro’n ng trahedya — plane crash — at nagpalabuy-laboy na sa lansangan ang mga bata dahil wala nang matirhan.

Sinimulan nang ipalabas ang Mga Basang Sisiw ngayong Lunes pagkatapos ng Eat Bulaga sa Kapuso Network.

vuukle comment

BIANCA UMALI

DIREK RICKY

DIREK RICKY DAVAO

EAT BULAGA

HERSHEY GARCIA

JUDAY

KAPUSO NETWORK

KIMBERLY FAYE

MGA BASANG SISIW

MIKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with