^

Pang Movies

Judy Ann walang mapiling ‘hari’ sa Kapamilya!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Lumabas ang kadaldalan ni Judy Ann Santos sa solo presscon na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN para sa teleserye niyang Huwag Ka Lang Mawawala. Reyna ng Pinoy Teleserye na ang bansag sa aktres dahil sa successful niyang soap opera simula sa Mara Clara hanggang sa huli niyang Habang May Buhay.

Madaldal nga si Juday nung Huwebes na ’yon pero tikom ang bibig niya pagdating sa mga tanong na may kaselanan gaya ng kung Reyna siya, sino naman ang puwedeng tawaging Hari?

 â€œBaka si Sir Gabby (Lopez)! Hahaha!” safe niyang tugon.

Sino kaya ang King niya?

Si Ryan ang dineklara niya.

“Wala akong karapatang magsabi kung sino ang King. Binigay lang naman sa akin ang titulong ito. Ang management ang may karapatang sumagot niyan kasi sila ang nagdedesisyon. Kung sinuman ang mapusuan nila, kung ’yon talaga ang naisip nila na marami nang nagawang tele­serye na karapat-dapat! Pag-usapan natin ito sa inuman! Hahaha! Huwag dito,” pabirong dagdag ng aktres.

Sino naman ang masasabi niyang puwedeng maging prinsesa na puwedeng pumalit sa kanya? Muli, naging safe ang sagot ng aktres.

“Sandali, tawagan ko si Ma’am Cha­ro (Santos-Concio)! Hindi kasi ako, ’pag nagbanggit ako ng isang pangalan, halimbawa sabihin ko si Maja (Salvador), eh ‘di nagalit sa akin ang fans ni Kim (Chiu). ’Pag sinabi kong si Kim, eh di nagalit sa akin… ’di ba? Wala akong karapatang magsalita. Ayoko ng kaaway! Mahirap na. Hayaan natin silang magsabi, ‘di ba?” tugon niya.

Ano ang pakiramdam niya at nag-iisa na lang siyang Reyna? Wala na ’yung mga iba.

“Alam mo…heto biglang pinagpapawisan ako! Hahaha! Ahhh, nandiyan pa rin naman ’yan. Hindi naman nagbabago. Bigyan natin ng chance, ng pagkakataon na makabalik ang mga tao, kasi may mga moment na isa sa artista may pagkakataon na may pinagdadaanan. Siguro, kung ako rin, may pinagdadaanan man ako, Panginoon, wala naman sana, sana mabigyan din ako ng chance na makabalik sa tamang panahon. Magawan ng paraan ang bagay-bagay. Naniniwala ako na kapag ang isang artista nagbigay ng magandang trabaho, hindi naman sila makakalimutan ng mga tao.

“On that note, magbabalik ang Judy Ann Show! Hahaha!” bulalas ni Juday.

Kasama ni Judy Ann si KC Concepcion sa bagong teleserye bilang main kontrabida niya. Bukod sa pagiging maganda at si Sharon Cuneta ang common denominator nila, minahal din ba nila pareho si Piolo Pascual?

“Actually, hindi. Baka siya lang! Hahaha!” deklara ni Juday na itinangging nagkaroon sila ng relasyon ng aktor.

vuukle comment

AKO

HABANG MAY BUHAY

HAHAHA

HUWAG KA LANG MAWAWALA

JUDAY

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

REYNA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with