^

Pang Movies

Hiwalayan nina Raymart at Claudine, marami pa ring nabigla kahit matagal nang nababalita!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa kolum ni Ricky Lo sa Philippine Star kahapon ay ibinunyag ni Inday Barretto na hindi na raw nagsasama pa ang anak na si Claudine at asawa nitong si Raymart Santiago.

Although matagal na ngang nababalita na hiwalay na ang mag-asawa, marami pa rin ang nagulat sa balita dahil few days ago ay nag-post pa si Claudine ng photo sa Instagram na masayang nililinis ang Porsche ni Raymart kasama ang anak nilang si Sabina.

Kaya paano nangyari na hiwalay na sila?

Bago ito ay nakausap din namin si Raymart last week naman sa presscon ng Home Sweet Home at aniya, marami raw pagsubok na dumarating sa buhay nila ni Claudine pero ang mahalaga raw ay nakakapit sila kay Lord.

In short, sa mga salita niya, wala ni kahit kaun-ting senyales na hiwalay na pala sila.

Ano ba talaga ang totoo?

Direk Lino nami-miss na agad ang showbiz

Halos dalawang buwan pa lang na namamaalam si Direk Lino Cayetano sa showbiz pero aniya ay sobrang nami-miss na raw niya ito. Pansamantala kasing nakabakasyon ngayon ang direktor sa mundo ng entertainment dahil pumapasok siya sa mas malaking mundo ngayon ng pulitika. He’s running for Congressman of Taguig.

Nakita at nakatsikahan ng entertainment press si direk Lino sa presscon na ibinigay ni Mother Lily Monteverde para sa kanilang dalawa ng kuya niyang si Sen. Allan Peter Cayetano na re-electionist naman sa Senado.

Ayon kay Lino, may kontrata pa rin daw siya sa ABS-CBN at kung baga at suspended lang ito nga-yon. Gusto pa rin naman daw niyang magdirek after elections at hindi naman daw niya permanenteng iiwan ang mundo ng showbiz.

Sa presscon nga ay binibiro na siya ni Mother Lily na gumawa sila ng pelikula at aniya, noon pa naman daw talaga may offer ang Regal Matriarch at dati ay nakapirma rin siya kasi sa Star Cinema kaya hindi puwede. Pero ngayong nag-expire na raw, puwede na raw.

 â€œAs I approach my ten years in showbiz, na-realize ko rin na I also want to do something for the industry and eversince naman I’ve had family ser­ving in the government so, parang opportunity na rin kung ano ang maitutulong ko para maging boses ng industriya and siyempre, part of me is helping my district sa Taguig pero sabi ko nga sa ABS-CBN, a big part of me rin is para maisulong ang pangangailangan ng industriya natin,” say ni Direk Lino.

Dahil nga marami ring nagmamahal kay Direk Lino sa showbiz, tinutulungan siyang mangampanya ng Kapamilya stars. Nakapunta na nga raw sa lugar niya si Pokwang, Bianca Gonzalez and even Kris Aquino promised to help.

Nakakatuwa lang pagmasdan ang magkapatid dahil pareho silang guwapo and for sure, ang da­ming girls na nagsu-swoon kapag nangangampanya sila especially for Direk Lino na binata pa.

Say nga ni Allan Peter, minsan daw ay nagkakamali ang mga tao at tinatawag siyang Direk Lino at proud naman daw siya since ang direktor ang bunso sa pamilya.

Dahil nasa pulitika rin ang isa nilang kapatid (ang panganay) na si Pia Cayetano, natanong sina Allan Peter at Direk Lino tungkol sa political dynasty.

 Ayon kay Direk Lino, tulad din sa showbiz na marami ring showbiz royalties na hindi sumisikat dahil sa kawalan ng talento, ganun din daw sa pulitika na hindi ka naman daw iboboto ng mga tao kung wala kang nagagawang mabuti sa bansa.

 â€œDito sa showbiz, kahit may pangalan ka dahil anak ka ng artista, bibigyan ka ng pagkakataon ng isa or dalawang beses. Pero pag hindi ka kinagat ng tao, ‘di ka minahal ng tao, hindi ka rin magtatagal sa showbiz.

 â€œSo, ganun din sa politics. Every 3 years, you get the opportunity to elect and reelect you, and thank God naman, elections after elections, they’ve shown trust to Kuya Allan,” pahayag ni Direk Lino.

vuukle comment

ALLAN PETER

CLAUDINE

DAW

DIREK

DIREK LINO

LINO

NAMAN

RIN

SHOWBIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with