^

Pang Movies

Rocco nasorpresa sa Burgos!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Too grateful si Rocco Nacino sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya na nabibigyan siya ng magagandang projects ng kanyang mother network. Kaya bale wala sa kanya kung nakatikim siya ng sermon from Direk Joel Lamangan nang hindi siya nakarating on time sa press conference ng Burgos dahil galing siya sa taping ng bago niyang afternoon prime, ang Unforgettable.

“Hindi ko po ini-expect itong mga bagong project na dumating sa akin dahil after ng Yesterday’s Bride, sinabihan akong after three months pa ako ulit bibigyan ng bagong soap,” sabi ni Rocco.  “Na sinamantala ko naman na makapagbakasyon kasi natapos ko na ring i-taping first docu-drama ng GMA News TV, ang Bayan Ko. Medyo mahirap ang taping dahil ginawa ko talaga ang role ni Mayor Joseph Santiago intended para sa darating na May 13 elections. Final episode na namin mamayang 7:15 p.m. at makikita natin kung ano ang epekto ng illegal logging sa isang bayan na dinaanan ng bagyo at landslide. Nagpapasalamat kami sa lahat ng sumubaybay sa lahat ng episodes at nagbigay ng kanilang comments tungkol sa serye na idinirek ni Adolf Alix, Jr.”

Sorpresa nga kay Rocco nang tawagan siya para makasali sa Unforgettable na nagpabalik sa love team nila ni Kylie Padilla after ng The Good Daughter. Iba pang leading men ni Kylie sina Mark Herras, Polo Ravales, at Benjamin Alves. At lalong malaking sorpresa kay Rocco nang siya ang mapili to play the role of the missing student-activist na si Jonas Burgos at makatrabaho for the first time si Lorna Tolentino as Editha Burgos at maidirek ni Joel. 

Nag-research siya agad sa buhay ni Jonas at ki­nausap si Mrs. Editha Burgos for more information tungkol sa nawawalang anak. Sabak agad sila sa shooting dahil ipalalabas na ang indie film sa coming Cinemalaya International Film Festival sa July.

Rochelle laging may share Sa date nila ng BF

Matagal-tagal na ring walang soap si Rochelle Pangilinan sa GMA 7 pero regularly siyang napapanood every Sunday sa Party Pilipinas kaya natuwa siya nang makasama sa telefantasya family drama series na Home Sweet Home at kasama pa ang real boyfriend na si Arthur Solinap. 

Biniro namin si Rochelle kung kailan naman sila magkakaroon ng home sweet home ni Arthur. Sagot niya, hindi niya ililihim kung magpapakasal na sila ni Arthur dahil five years na sila kaya lang wala pa namang proposal ang kanyang boyfriend. Pero gusto nilang magpakasal kung settled na sila talaga. Hindi rin sila nagli-live-in set up at maganda ang relasyon nila na share sila lagi sa gastos kung lumalabas sila for a date. Two kids lamang ang gusto niya pero si Arthur ay gusto ang apat na anak. 

Bukas, bago ang 24 Oras, mapapanood si Rochelle bilang dating girlfriend ni Reden (Raymart Santiago). Guguluhin ba niya ang Home Sweet Home?

vuukle comment

ADOLF ALIX

ARTHUR SOLINAP

BAYAN KO

BENJAMIN ALVES

CINEMALAYA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

HOME SWEET HOME

ROCCO

SILA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with