^

Pang Movies

Matapos ang kasal nila sa Las Vegas AiAi gusto na agad magka-baby

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang haba talaga ng buhok ni AiAi delas Alas. Napa-attend niya sa kasal nila ni Jed Salang ang ex-husband niyang si Miguel Vera sa Las Vegas, Nevada kamakailan.

Tuwang-tuwa siya at kahit malayo ang agwat nila ni Jed, pinakasalan pa rin siya nito.

“Gusto kong magka-baby agad,” sabi ni Aileen.

Sabi pa ni AiAi, marami siyang adjustment na gagawin ngayong Mrs. Salang na siya.

“Adjustment at sa age ang bubunuin ko rito. Pero okay lang ’yung sa edad. Puwede naman kaming maghabulan. At bibilisan ko pa,” sabi ng komedyante.

Sa Dec. 8 plano ng mag-asawa na ikasal naman sa Pilipinas pero ngayon ay umaatikabong honeymoon muna sila sa US.

Wala pa kaming tuwirang balita kung final na ang title ng pelikulang ginagawa ni AiAi kasama sa unang pagkakataon si Marian Rivera, ang Kung Fu Divas. Pero mukhang tinapos na muna ng komedyana ang mga eksena niya bago ito tuluyang lumagay sa tahimik.

Coco tuluyan nang kinalimutan ang anak

Kinalimutan na nang tuluyan ni Coco Martin ang anak niya kay Katherine Luna. Sikat na sikat ang aktor ngayon pero ni hindi raw ito makapagpadala ng sustento sa bata. Pero hindi naman sa sinisiraan ni Katherine si Coco sa kanilang anak.

“Sana naman, magkaroon siya ng time na dalawin man lang ang anak namin. Alam naman niya kung saan ako nakatira. Ni hindi tumatawag o nagti-text man lang,” himutok ng bida sa Babae sa Breakwater.

vuukle comment

COCO MARTIN

JED SALANG

KATHERINE LUNA

KUNG FU DIVAS

LAS VEGAS

MARIAN RIVERA

MIGUEL VERA

MRS. SALANG

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with