^

Pang Movies

Ogie ibinuko ang kalampahan ni Regine

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kung malaki na ang anak nila ng wifey na si Regine Velasquez, gusto rin ni Ogie Alcasid na mai-host ang pagsali ni Nate at Mommy Regine sa Bonakid Pre-School Ready Set Laban, partnered by GMA Network and Wyeth Nutrition. Pero biro ni Ogie nang makausap after the launch cum presscon ng bago niyang show sa GMA 7, baka hindi rin puwede dahil lampa raw ang asawa niya at baka hindi kayanin ang mga challenge na sasalihan ng moms and kids.

“Mothers lang kasi ang puwedeng sumama sa kanilang kids, boy or girl can participate, after the audition na ginawa namin,” kuwento pa ni Ogie.  “Each episode, two teams consisting of three mom and kid tandems ang sasali to complete in a qualifying game. Kung sino ang manalo, a-advance sila sa next challenges, hanggang sa main challenges ang winners ay puwedeng tumanggap ng prizes worth a million.”

Sa Sabado, April 20, before Eat Bulaga, mapapanood na ang kiddie show na tatagal lamang ng eight weeks kaya biro kay Ogie, dahil ba after eight weeks, lilipat na siya sa TV5? 

“No. Nagkataon lamang na seven episodes talaga ang contest at finals sa 8th week na nag-coincide sa length ng campaign ng Bonakid bago mag-start ang school year.  Tinanggap ko ito dahil nagustuhan ko ang concept at natutuwa ako na after ng isang challenge, nakikita ko ang kasiyahan sa mga mukha ng moms and their kids na hindi pinansin ang pagod nila. Basta kita mo lamang na nag-enjoy sila. Walang takot ang mga bata dahil kasama nila ang mga mommy nila,” sabi ng singer-songwriter.

At ang final answer ni Ogie: “Yes, there are ru­mors flying around but I’m still a Kapuso, I have nothing to explain.”

Production staff proud sa nabuong Bayan Ko

Very proud ang production staff at ang buong cast ng Bayan Ko, ang first docu-drama show ng GMA News TV dahil sinusubaybayan talaga ang parang real life story ng bangayan nina Mayor Joseph Santiago (Rocco Nacino) at Governor Antonio Rubio (Pen Medina) na tungkol sa isang maliit na probinsiya na walang pag-unlad dahil sa graft and corruption ng mga namumuno sa pangunguna ni Gov at pilit na nilalabanan ni Mayor.  Tamang-tama ito at eye-opener sa mga boboto sa coming May 13 elections.

Congratulations kina Rocco, Pen, LJ Reyes, Maria Isabel Lopez, Mercedes Cabral, Ping Medina, Albert Sumaya, Love Añover. Sa direksiyon ito ni Adolf Alix at mapapanood ng 7:15 p.m. Kung mami-miss ninyo ito mamayang gabi, bukas, 8:00 a.m., may replay ito sa GMA News TV.

vuukle comment

ADOLF ALIX

ALBERT SUMAYA

BAYAN KO

BONAKID PRE-SCHOOL READY SET LABAN

EAT BULAGA

GOVERNOR ANTONIO RUBIO

LOVE A

MARIA ISABEL LOPEZ

OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with