^

Pang Movies

Neil sumikat nang maging barkada ni Juan!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Hindi lang pala sa TV screen sa teleserye niyang Juan dela Cruz sa Kapamilya Network nakakahawa ang magandang ngiti ni Neil Coleta kundi ganun din sa personal. Lalo na nang tanghalin siyang New Movie Actor of the Year ng Star Awards for Movies para sa movie na I Do Bidoo Bidoo na ipinalabas last year. Abot-tenga ang ngiti nito habang hawak ang kanyang trophy na hindi mabitaw-bitawan.

Mas napapangiti pa siya sa sigaw sa kanya ng mga batang paslit na “barkada ni Juan” para lang magpa-picture pati na rin ang ilang nag-uunahang bagets na tumabi sa kanya. Sinabi rin ng iba na siya ang susunod sa yapak ni Coco Martin.

 â€œHindi po, hindi. Pero marami akong natutunan sa kanya,” sabi ni Neil. Marami raw kuwento si Coco at hindi lang siya basta tinuturuan nito kung paano umarte, kundi paano humawak ng kinikita niyang pera. Bilib na bilib siya sa bida ng Juan dela Cruz na napakagaling na aktor na mata pa lang ay gumagana na. Sobrang bait din daw ni Coco.

At in fairness, mahusay din palang humawak ng pera si Neil dahil sa loob ng dalawang taon pa lang niya sa showbiz ay meron na siyang hinuhulugang bahay at kotse. Napilitan daw siyang huminto sa kurso niyang Information Technology o IT at 4th year college na sana siya sa Adamson University dahil nagbunga ang kanyang mga audition at naging part na nga siya ng showbiz.

Ynna ayaw magselos kay Kylie

Seksing-seksi ngayon si Ynna Assistio, palibhasa’y wala pa siyang project sa GMA 7 kaya may time siyang magpunta sa gym at mag-exercise. Pero talagang nagbawas din siyang kumain ng kanin at ng matatamis. Gusto rin niyang mag-aral ng guitar and piano lessons at mag-dancing at acting workshop. Pero ayaw niyang magpaturo ng sayaw sa Bad Boy of the Dance Floor na kanyang boyfriend na si Mark Herras. Baka kasi hindi siya makasabay sa galing ng kanyang dwoya.

Speaking of Mark, hindi na mag-iinarte si Ynna kapag dumating ang time na yayain na siya ng BF na magpakasal na panay ang press release. Pero for the mean time, marami pa silang plano sa kani-kanilang career kaya magpapahintay muna siya kay Mark bago sila mag-settle down.

Supportive sila sa kani-kanilang career kaya never siyang magseselos kay Kylie Padilla na leading lady ni Mark sa Unforgettable ng GMA 7. Bukod sa magkaibigan sila ni Kylie at kababata niya ang anak ni Robin Padilla, aware rin si Ynna na pareho sila ni Mark na may sinusuportahang pami-pamilya na umaasa sa kanila.

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

BAD BOY OF THE DANCE FLOOR

COCO MARTIN

CRUZ

I DO BIDOO BIDOO

INFORMATION TECHNOLOGY

PERO

SIYA

YNNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with