^

Pang Movies

Coco dinudumog sa Quiapo Church!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Maraming tao nang minsan napadaan kami sa Quiapo Church, kahit hindi Biyernes. Sa harap mismo ng Minor Basilica of the Black Nazarene ki­nu­nan ang mga eksena nina Gina Pareño, Erich Gonzales, at Coco Martin, para sa Juan dela Cruz.

Tahimik at maayos namang pinanonood ng mga tao ang taping. Thrilled silang makita ang primetime prince ng ABS-CBN. Ang lolang kasama ko, gustong sugurin si Coco at pupugin ng halik. Pero dahil Sampaguita Pictures’ Star ’66 fan siya, haping-happy nang makita sa personal si Gina.

Kung ano ang dami ng mga taong nag-uusyoso roon, ibayong dami naman ang nanonood ng Juan dela Cruz sa TV. Chika ni Aaron Domingo ng Kapamilya Network, pumapalo ng mahigit na 40 percent ang viewership ng show.

Sen. Bong hindi nakuha ng Kapamilya kaya tinapatan ng show ni Coco

Nagkaroon ng speculation last year na lilipat si Sen. Bong Revilla, Jr. sa Lopez network. Ang balita pa noon, ongoing na ang negotiation ng magkabilang panig.

Nag-iba ang ihip ng hangin. Ngayon ay tinapatan pa ng ABS-CBN ng Juan dela Cruz ang Indio ni Sen. Bong. Hindi naman eksaktong magkasabay ang airing ng dalawang show, maagang natatapos ang TV Patrol kaya’t pinapalabas agad ang susunod na show.

Sinasagad naman ng 24 Oras hanggang 8:00 p.m. ang news program. Kaya nahuhuli ng ilang minuto ang telecast ng Indio. Pero on the same time slot pa rin sila pagdating sa rating survey.

Dala-dala ang cedula para patunayang hindi menor de edad, Sexy actress ubod tamis ang ngiti nang mag-check in kasama ang walang muwang na lalaki

Ang cheap naman ng isang sexy actress na sa isang motel nag-check in, bitbit ang isang poging mukhang menor de edad.

Kailangan pang magpakita ng cedula ang macho para patunayang nasa hustong gulang na siya. Naka-smile pa ng ubod tamis ang artista nang madaan ang grupo ng mga movie reporter na nakaupo sa coffee shop ng disimuladong entrance ng motel.

Tila nagmamalaki ang lola na halos apo na niya ang na-take home!

Inggit ang mga reporter at gusto pang mag-offer ng mala­king datung sa menchu.

Bading na produ nag-uwi ng pogi pagkatapos magsimba

Kung magsisimba kayo this Sunday, i-concentrate ang isip sa pagdarasal sa Holy Eucharist.

Dapat huwag ninyong tularan ang isang bading na producer na sa una’y taimtim ang panalangin. Napalingon siya sa kaliwa at nakita ang isang mature, handsome man.

Pagkatapos ng Santa Misa, nagkakilala na ang magkatabi sa upuan. Sumakay sa kotse ng mukhang poging executive ang baklesh. Ang sumunod na eksena, iba na ang niluhuran ni Titang madasalin!

Pinay designer na kilala na sa Amerika pero sa ’Pinas pa rin nakatira magkakaroon ng sariling fashion show sa LA

Pagkatapos ng successful fashion show ng Pinay international designer na si Josie Natori sa New York, isa na namang Pilipina couturier ang itatampok sa Los Angeles fashion week in a fashion show on March 13.

Kilala na sa Amerika si Pia Gladys Perey dahil nagsuot na ng kanyang mga likhang damit sina Angelina Jolie, Gabrielle Union, at Kim Kardashian. Siya ang unang Philippine-based designer na itatampok sa isang major fashion event sa US.

Inaasahang mahigit na 600 ang manonood ng kanyang show at kabilang na rito ang Hollywood celebrities at mga fashion buyer mula sa pinakamalalaking department stores sa America.

vuukle comment

AARON DOMINGO

AMERIKA

ANGELINA JOLIE

BONG REVILLA

COCO MARTIN

CRUZ

SHOW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with