^

Pang Movies

Robin at iba pang Kapamilya stars, dinumog ng halos 2 milyon sa Panagbenga

Pang-masa

MANILA, Philippines - Dinumog ng halos dalawang milyong katao ang katatapos lamang na  Panagbenga Floral Float Parade  kung saan bahagi ang  float ng ABS-CBN RNG na kinatampukan ng Kailangan Ko’y Ikaw stars na sina Robin Padilla, Xyriel Manabat, Marco Gumabao, Miles Ocampo, Karla Estrada, at Smokey Manoloto; and Kris TV co-hosts na sina Jason Francisco at Melai Cantiveros.

Ang ABS-CBN Regional Network Group ay ang nationwide TV at radio network ng ABS-CBN Corporation.

Paroa magwawakas na!

Kilala ang GMA Network sa paglikha ng mga dekalidad at top-rating na mga telefantasya series at makikita ito sa magandang pagtanggap at pagsubaybay araw-araw ng mga manonood sa Paroa, ang Kuwento ni Mariposa, na pinagbibidahan ng isa sa mga hottest young love team ngayon na sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio.

At sa huling linggo ng Paroa, ang Kuwento ni Mariposa, hindi pa rin tumitigil si Rosanna (Alicia Mayer) sa paghigante sa mga Paroa. Patuloy niyang lulusubin ito ngunit makakatakas ang mga Paroa. Magpapasiya na si Mariposa (Barbie Forteza) na pagalingin si Inigo (Derrick Monasterio) para pigilan nito si Rosanna. Sa tulong ng Ambrosia, gagaling si Iñigo ngunit hindi parin niya mapipigilan ang kanyang ina. Susunugin ni Rosanna ang pataniman ng Ambrosia at magkakaroon ng forest fire. Mababaril pa nito ng net gun ang mag-asawang Aurora (Tanya Garcia) at Adon (Gerard Pizarras) ngunit babagsakan naman ng nasunog na troso si Rosanna.

Maliligtas ni Mariposa si Rosanna at ipapaliwanag ni Iñigo sa kanyang ina na walang kasalanan ang mga Paroa. Ikukulong ng mga Paroa si Rosanna ngunit pakakawalan din ito at patatawarin dahil sa desisyon ni Mariposa. Paaalisin na ng mga Paroa ang mag-ina. Ipaglalaban ni Iñigo ang pagmamahal niya subalit nagdesisyon narin si Mariposa na paalisin si Inigo kahit masakit din para sa kanya.

Samantala, magbabanta si Belen (Maritoni Fernandez) na ipaghihiganti niya ang pagkamatay ng kanyang anak na si Becca (Joyce Ching). Isinisisi ni Belen ang pagkamatay ng kanyang anak kay Mariposa. Mapapasok ni Belen ang Paroa at may dala itong baril. Babarilin ni Belen si Mariposa at sa puso ito tatamaan. Mamatay si Mariposa ngunit mabubuhay muli dahil sa halik ni Iñigo. Kahit sa kanilang pagmamahal para sa isa’t isa, bilang prinsesa ng mga Paroa, gagawin parin ni Mariposa ang makakabuti at ikatatahimik ng Paroa at ito ay pagpapaalis kina Iñigo at ang pagsasara ng lagusan sa Paroa patungo sa mundo ng mga tao.

Maipaglalaban pa kaya ni Iñigo ang kanyang pagmamahal kay Mariposa? Mababago pa kaya ang isip ni Mariposa na huwag isara ang lagusan? O tuluyan na silang maghiwalay at kalimutan ang isa’t isa?

Huwag palagpasin ang mga huling araw ng Paroa, ang Kuwento ni Mariposa pagkatapos ng Forever sa GMA Afternoon Prime.

 

 

 

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

BELEN

DERRICK MONASTERIO

KUWENTO

MARIPOSA

PAROA

ROSANNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with