^

Pang Movies

Sports-showbiz personality itinigil ang sustento sa naanakan, babae may bantang pasabog!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Wow, Salve A., ito ang aba­ngan natin. Ang diu­mano’y threat ng diumano’y babaeng naanakan ng isang sports-showbiz celebrity that she will soon come out in public dahil diu­mano’y (hayan, diuma­no na naman) pagpapabaya sa kanilang mag-ina ng father ng anak.

Kung dati-rati raw ay consistent ito sa pagpapa­dala ng sustentong nararapat lang sa kanilang mag-ina, kung bakit daw lately ay natigil na. Kung kailan pa naman daw maraming diumano’y pagbabagong naganap sa personal na buhay ng lalaki.

Dati raw ay nagtatrabaho naman siya. Kaso nga raw pinatigil siya ng nabanggit na personalidad at siya raw ang bahala at anak ng lang nila ang asika­suhin.

Okay lang daw na ’di na sila dinadalaw ng personalidad pero huwag naman daw ipagkait nito ang nararapat. Huwag na sa kanya, kung hindi sa anak na lang nila.

Clue? Wa na, Salve A., ha?

Jodi walang mai-react sa pagbubuntis ni Iwa

Who says na ’di puwedeng pagsabayin ang career at pag-ibig and both be successful in it? Lalo’t nasa showbiz ka?

If this is true, then Jodi Sta. Maria must be an exception to the rule.

No one can question the big success of her current top-rating series, Be Careful With My Heart with Richard Yap, otherwise known as Papa Chen and now Sir Chief. Tuloy, dahil sa clamor ng following na na-create nito, na huwag i-end ang series, inspired lalo ang mga writer nito, headed by Mel del Rosario, to come out with even better episode daily.

By now, you probably have heard na the indie film, Aparisyon, top billed by Jodi, along with My­lene Dizon, Ruel Villavicencio, and Fides Cu­gu­yan-Asencio, and shown in the Cinemalaya In­dependent Film Festival last year ay napili bilang isa sa seven films from other countries na mag­ko-compete sa 15th Deauville Asian Film Festival which will be held in France on March 6.

Aparisyon, directed by Vincent Sandoval, will compete for Lotus D’ Or or Golden Lotus award for best picture.

Where Jodi’s love life is con­cerned, quiet lang siya sa diu­mano’y kasalukuyang relasyong namamagitan sa kanila ng kandidato for vice governor in Cavi­te na si Jolo Revilla.

Ang nakatutuwa, when Lani Mer­cado, incumbent Bacoor (Ca­vite) congresswoman who is running for the same position in the coming elections in May, was asked kung ano ang masasabi niya kay Jodi, she said na ang mahalaga sa kanya at asawang si Sen. Bong Re­villa, Jr. ay kung saan liligaya ang anak nilang si Jolo.

Likewise, nanatiling tikom ang bibig ni Jodi tung­­kol sa napapabalitang pagbubuntis ni Iwa Mot­to na ang ama ay ang former husband niyang si Pampi Lacson.

Puso ni Melai napagod na kay Jason

Obvious na type na ni Melai Cantiveros na per­manente nang tuldukan ang kung anumang ugnayang nagkaroon sila ng dating boyfriend at fellow Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Jason Francisco.

Dating inaamin ni Melai na umasa siyang babalikan siyang muli ni Jason nang nag-suggest itong, wika nga, give him space.

Lately, however, natuklasan ni Melai na puwede rin palang mapagod ang puso. At nadiskubre niya ito nang noong nakaraang Valentine’s day ay niyaya siya ni Jason for them to go out on a date.

’Di na raw siya pumayag.

Ipagdasal natin…

Let’s pray for Monching Jaramillio, formerly with the editorial staff ng ABS-CBN Publications, Star Studio, and now a regular writer of PEP and YES! Magazine, who is reportedly in a critical con­di­­tion pagkatapos makaranas ng pagkakaibang pag­ka­hilo while whiling away his time with friends in a coffee shop located sa ibaba ng Imperial Palace sa Quezon City ni Mother Lily Monteverde.

Naka-confine sa kasalukuyan si Monching sa Ca­­pitol Medical Cent­er sa Quezon Avenue in QC din.

vuukle comment

APARISYON

BE CAREFUL WITH MY HEART

BONG RE

CINEMALAYA IN

DEAUVILLE ASIAN FILM FESTIVAL

JODI

MELAI

SALVE A

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with