^

Pang Movies

Paliwanag kababawan lang: Celebrity endorser huling-huling bumisita sa kalaban ng iniendorsong beauty clinic

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nadismaya ang isang doktor nang malaman nito na nagpunta sa beauty clinic na pag-aari ng karibal niya ang kanyang celebrity endorser.

Nangatuwiran ang celebrity endorser sa doktor na sinamahan lang niya sa rival clinic ang kanyang kapatid.

Ka­hit sinabi ng celebrity endorser na loyal na loyal siya sa clinic ni doktora, disappointed pa rin ang dok dahil mababaw ang katuwiran ng celeb.

Ka­tangahan ang ginawa ng celebrity endorser dahil hindi nito inisip ang mga sasabihin ng mga tao na nakakita sa kanya sa clinic ng rival doctor. May reason para maimbiyerna si doktora sa celebrity endorser na may katigasan ang ulo.

Fresh cell mula sa Black Mountain Sheep umepekto kay Erap

May nagkuwento sa akin tungkol sa recent TV guesting ni Papa Joseph “Erap” Estrada.

Bagets na bagets daw ang hitsura ni Papa Erap na hindi surprising dahil umepekto na sa kanya ang fresh cell therapy.

Pareho ang doktor namin ni Papa Erap na nagturok sa amin ng fresh cell mula sa black mountain sheep.

Hindi idine-deny ni Papa Erap ang procedure na pinagdaanan niya. Pumayag pa nga siya na i-endorse ang Villa Medica Clinic na malaki ang naitulong sa kanyang kalusugan at physical appearance.

Cong. Roman at Shalani isang taon nang kasal

First wedding anniversary nina Congressman Roman Romulo at Shalani Soledad sa Jan. 22.

Mag-iisang taon na ang nakalilipas mula nang ikasal sila sa parish church ng Ayala Westgrove sa Silang, Cavite.

Childless pa rin sina Papa Roman at Shalani pero hindi sila nagmamadali na magkaroon ng anak. Sinusulit muna nila ang kanilang pagsasama.

Napuntahan ko na ang bahay nina Papa Roman at Shalani sa Pasig City. 

Maganda ang bahay at very positive ang vibes nito.

Parang mga bahay sa Amerika ang hitsura ng lovenest nina Papa Roman at Shalani dahil wala itong bakod. Ligtas naman ang neighborhood dahil mahigpit ang security sa nasabing village na mula sa bulaklak ang mga pangalan ng kalye.

Sen. Bong, sa Indio naman nakatutok

Palabas na sa mga sinehan ang filmfest movie ni Senator Bong Revilla, Jr. at dahil tapos na ang promo ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako, kaya ang promo ng Indio ang haharapin ng aking favorite senator.

Magugustuhan ng mga bata at mata­tan­da ang kuwento ng Indio.

First time ni Bong na gumawa ng isang teleserye kaya ibi­nuhos na niya ang la­hat ng kanyang nalalaman sa action stunts.

Hindi tinipid ng GMA 7 ang budget ng Indio dahil naniniwala sila na maganda ang project at karapatan ng televiewers na makapanood ng isang dekalibre na programa.

vuukle comment

AYALA WESTGROVE

BLACK MOUNTAIN SHEEP

CONGRESSMAN ROMAN ROMULO

DAHIL

ERAP

INDIO

PAPA

PAPA ERAP

PAPA ROMAN

SHALANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with