^

Pang Movies

Cesar parating nakaka-jackpot sa pagiging bayani

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Bago matapos ang 2012 ay nabiyayaan pa si Cesar Montano ng isang award mula sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Ito ay ang pagkapanalo niya bilang best supporting actor para sa kanyang role bilang si Andres Bonifacio sa pelikulang El Presidente.

Inamin ni Buboy na kinabahan siya sa pagtanggap ng kanyang award. Bukod sa matagal na siyang hindi nakakatanggap ng acting award, hindi niya inaasahan na matatalo niya ang mga kalaban niya sa kanyang katergorya.

“Ang gagaling ng mga kalaban kong sina Christopher de Leon, Ba­ron Geisler, at Zanjoe Marudo.

“To get nominated is a great honor for me talaga. Kahit manalo o hindi, masaya na ako doon. Okay na ako. It’s a great honor for me,” diin pa ni Buboy.

Nanalo na rin siya sa MMFF noon. Una ay noong 1989 as best supporting actor sa pelikulang Ang Bukas ay Akin. Sumunod naman ay noong 1998 bilang best actor naman sa pelikulang Rizal. Noong 2004 ay nanalo naman siyang MMFF best director for Panaghoy sa Suba. At ang huli ay noong 2006 as best actor sa pelikulang Ligalig.

Natuwa nga si Buboy dahil sa parehong bayani ng bansa na ginampanan niya na pinagkalooban ng award.

“Siguro ngayon lang nila ako nakitang nag-Bonifacio. Napanood na nila ako bilang si Jose Rizal, ngayon iba ‘yung intensity ni Bonifacio.

“Salamat naman at na-appreciate nila or nagustuhan nila kung ano ‘yung performance ko sa movie,” saad pa ng aktor.

Bago ang El Presidente, nag-concentrate si Buboy sa pagiging TV host ng ilang taon tulad sa The Singing Bee, Wowowee, Hole in the Wall, Manny Many Prizes, at Artista Academy.

Ngayong 2013 ay balik sa paggawa ng drama series si Buboy via Never Say Goodbye with Nora Aunor, Alice Dixson, at ang Artista Academy winners na sina Vin Abrenica at Sophie Albert.

Ang nauna niyang series na ginawa ay ang Ilumina na sinundan ng sitcom na Andres de Saya na pareho niyang ginawa for GMA 7 noong 2010 at 2011.

 

vuukle comment

ALICE DIXSON

ANDRES BONIFACIO

ANG BUKAS

ARTISTA ACADEMY

BONIFACIO

BUBOY

CESAR MONTANO

EL PRESIDENTE

JOSE RIZAL

MANNY MANY PRIZES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with