^

Pang Movies

Chaperon daw ang kailangan? Baron sa dalawang malalaking bouncer dapat pasamahan!

MASA..RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Pati si Edgar Allan Guzman naging biktima na ni Baron Geisler. Nangyari ang isang hindi inaasahang confrontation ng baguhan at matagal ng aktor sa the same event na nabastos si Divine Lee.

Sinumbatan ng bipolar si Edgar Allan na hindi siya binigyan ng kaukulang importansiya dahil mas senior siya sa bagong salta.

Sinita pa ng lasenggo ang young actor na hindi man lang siya kinibo sa taping ng Kidlat. Nasambit na lang ni Edgar Allan sa sarili na paano niya bibigyang pugay sa nasabing palabas ang problem actor, hindi naman siya kasali sa cast ng Kidlat o ni hindi man lang nakadalaw sa set nito!

Isa na namang suggestion ang galing sa manager ni Geisler: Kailangang meron chaperon ang aktor sa lahat ng okasyong pupuntahan. Baka hindi basta kasama lang ang kailangan. Dapat at least dalawang matipunong bouncer na kayang awatin ang lahat ng violent fits ng iskandaloso.

Hunk na takot kuno sa mga bading, buking na nagpapa-book sa mayamang bakla!

Tambak na ang bayarin ng isang handsome hunk. Madalang pa naman ang kanyang trabaho. Saan pa nga ba siya tatakbo kundi sa mga ever reliable, rich and generous gay?

Kaya lang nagkamali siya ng padala ng text message sa isang director. Ang sikretong mensahe ay para sana sa isang bonggalong bading. Nakikiusap ang macho na i-book siya sa isang mayamang baklesh who can afford his tag price.

Shocked si Direk sa text dahil ang laging drama ng aktor ay homophobic siya. Hate niya ang mga bading! Heto ngayon at gusto niyang magbenta ng aliw, sa mga kafatid mismo!

Type rin naman ni Direk ang hunk pero Madam Curie siya. Kahit may surplus cash, hindi siya maglulustay ng hard-earned money sa mga menchu na sobrang mag-charge sa kanilang bed service.

Sa mga struggling actor na lang siya titikim, na gusto niya kasing kung minsan ay libre. Pangakuan lang niya ng trabaho.

Nora hindi disqualified sa MMFF Awards Night

Si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) head at over-all chairman ng 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF) na si Francis Tolentino na ang naglinaw na hindi totoo ang balitang disqualified si Nora Aunor sa best actress derby, para sa Thy Womb, ng taunang film fiesta.

Kumalat kasi na bibigyan na lang ng special citation ang Superstar at hindi na siya isasali sa mga nominee sa nasabing award. Ang dahilan, nagwagi na siya ng mga parangal sa mga international filmfest.

Ayon sa MMFF chair, wala namang nilabag na regulation si La Aunor sa festival kaya’t she is very qualified to be a finalist as best actress, tulad din ng iba pang lead female performer sa pito pang official MMFF entries.

Paalalang muli sa Noranians at silent fans ni Ate Guy. Sa halip na maghintay lang kayong manalong muli ng isang award ang inyong idolo, pumila agad sa takilya simula sa Pasko, Dec. 25. Tulungan ninyong lumakas ang puwersa ng world-class actress sa takilya.

Jacky Woo, best actor sa Manhattan filmfest at Tagalog ang speech

Nagwagi ng best actor award ang Hapones na si Jacky Woo, na bida sa Pinoy film na Hauro, directed by Adolf Alix, Jr. Tinanggap ni Woo ang trophy sa International Film Festival Manhattan at ang parte ng kanyang acceptance speech ay Tagalog o Pilipino.

Si Jacky Woo ang bida sa ginagawang bagong indie film ni Alix, Death March, at ang Japanese actor din ang producer.

apl.de.ap umuwi sa ’Pinas para kay Aguinaldo

Nasa bansang muli si apl.de.ap upang tumulong sa promo ng El Presidente: The Emilio Aguinaldo Story ni Laguna Gov. ER Ejercito. Ang international Pinoy performer ang isa sa mga kumanta ng original theme song ng big-budget MMFF entry.

Nangako ang multi-awarded actor/producer na pawang katotohanan ang laman ng El Presidente, na base sa tunay na buhay ng unang pangulo ng republika ng Pilipinas. Kung meron man silang dinagdag na parteng cinematic, maliit pa ito sa one percent.

Ang inaabangan ng moviegoers ay ang paglilitis ni Andres Bonifacio at kung sino at bakit siya nahatulang ma-firing squad sa bundok ng Maragondong sa Cavite.

vuukle comment

ACTOR

ADOLF ALIX

ANDRES BONIFACIO

EDGAR ALLAN

EL PRESIDENTE

JACKY WOO

LANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with