^

Pang Movies

Sen Lito matagal nang iniilusyong makasama si Sharon

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinaupong manok ang putaheng niluto ni Sen. Lito Lapid kay Megastar Sharon Cuneta noong personal siyang dinalaw para sa isang interbyu sa Sharon: Kasama Mo, Kapatid sa TV5. Iisa ang komento ng grupo, napakainit ng pagtanggap sa kanila sa mansion ng senador sa Porac, Pampanga. Maging mga anak nitong sina Mark Lapid at Meynard ay napakagalang makipag-usap. Halatang tinuruang mabuti ng kanilang magulang. Bihira na gumamit ng “po” ngayon lalo na sa mga respetadong tao.

Masarap magluto si Koyang (Lito) pero mabuti raw at malakas na ang control ni Mega sa pagkain at napigilan niyang sumubo ng marami. Humanga rin si Mega sa chandelier na gawa sa kahoy, na bihira nang makita ngayon.

Sa rami ng biyayang natanggap ni Sen. Lito, tinanong siya kung ano pa ba ang kulang? Kamuntik mag-collapse si Sharon nang sagutin ng dating action star na ang kulang na lang ay magkatambal sana muli sila sa pelikula. Pero tuwang-tuwa naman si Mega, nagsabing talagang magpapayat na siya.

James Yap parang kasali sa cast ng Sisterakas

Nagmistulang kasali si James Yap sa cast ng bagong pelikula nina AiAi delas Alas, Vice Ganda, at Kris Aquino na Sisterakas. Palagi na namang topic ang basketbolista tuwing mababanggit si Kris.

Wala bang bago? Para huwag maging boring dahil paulit-ulit na lang ang hiwalayan issue ng dalawa.

Sabrina na-depress sa pagkamatay ng tita na No. 1 fan

Napakinabangan ng GMA 7 child star na si Sabrina Man ng Tropang Pochi ang mga lotion at perfume niyang ginagawa lang na natutunan niya sa paaralan. May sarili na siyang lotion na ginagamit at puwede ring pamigay sa fans.

Maigi na ’yan dahil kuwento ng mommy niyang si Len Len, medyo na-depress pala si Sabrina noong namatay ang kanyang tita sa Calamba, Laguna. Apektado raw ang bata dahil mahal na mahal siya at number one tagahanga pa niya ang yumaong tita. Lahat daw ng publicity ni Sab na lumalabas sa diyar­yo, iniipon ng kanyang tiya.

Sa ngayon, may mga project uli si Sab sa GMA.

Personal….

Binabati namin si Amang de Guzman ng Baliuag, Bulacan sa kanyang kaarawan nung Dec. 15 at si Jayson German ng Bocaue, Bulacan nung Dec. 11.

vuukle comment

BULACAN

JAMES YAP

JAYSON GERMAN

KASAMA MO

KRIS AQUINO

LEN LEN

LITO

LITO LAPID

MARK LAPID

MEGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with