^

Pang Movies

Male personality na matagal nang nababalitang bading namumula ang hasang paglabas ng toilet sa sinehan!

SO CHISMIS ITOH - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi pala mapigilan ang nababalitang bading na male personality ang kanyang kakatihan. Kahit pala sa public places ay walang takot na makipaglaro sa kanyang panunukso sa mga lalaki.

Kuwento ng aming source na noong una ay ayaw niyang maniwala na bading ang male personality. Baka raw sinisiraan lang ito. Pero napatunayan niya nang masaksihan niya ang kabaklaan talaga.

“Hindi na siya nahiya. Bakla talaga siya,” paunang sabi ng source. “Talagang pinatunayan niya na isa siyang reyna. Banyo Queen pala siya!”

Sa isang male comfort room ng isang sosyal na mall nagkakalat ng kanyang kalandian ang bading na male personality. May showbiz event kasing nagaganap sa naturang mall kaya lahat ng tao ay tutok sa mga artistang dumarating.

Kaya siguro naisip na sa comfort room (CR) siya mambiktima dahil pihadong walang tao roon.

“Nataon na nasi-CR rin ako kaya may-I-go sa banyo. ‘Yung pinakamalapit na CR ay sa may bandang likod na malapit sa sinehan. Hindi ko nga alam na may CR pala dun kasi tago siya.

“Eh pagpasok ko, nakita ko sa salamin na may dalawang lalaki sa may urinal at nasa dulung-dulo pa sila. So, ibig sabihin may nagaganap na milagro kasi magkatabi pa sila ng urinal. Kaya ang ginawa ko, sa cubicle na ako dyuminggel.

 “Pagkalabas ko, aba, hindi pa sila tapos at nandoon pa rin sila sa kinalalagyan nila. Eh parang na-curious ako kasi parang mga cute itong mga baklang ito. Kaya pagkalabas ko, may-I-wait ako sa labas. Hindi naman nila ako nakita kasi busy sila exploring ang mga churva nila,” sabay tawa ng source namin.

 Naghintay ang aming source ng higit na five minutes sa labas ng CR. Wala naman daw ibang pumapasok. Noong finally bumukas ang pinto, huli niya na ang nababalitang bading na male personality ang isa sa mga lalaki na nasa urinal.

After niya ay lumabas naman ang isang male model na maraming commercials ngayon at nagho-host ng isang lifestyle show sa cable channel.

 “I swear, lumabas ang bading na namumula ang hasang. Nakakaloka siya! Humada talaga siya sa isang public toilet!

“In fairness sa male model, guwapo siya pero may nababalitaan nga akong may malansang amoy din sa kanya. Siguro nagtagpo ang kakatihan nila kaya hindi na sila nakapaghintay. Mga walang takot!” tili ng source namin.

At mas ikinaloka ng source namin nang nalaman niyang host sa second part ng event sa mall ang male model at special guest performer ang bading na male personality.

“At least, nakaraos na silang dalawa,” natatawang hirit pa ng source namin.

Mommy Elvie ipoprodyus ng TV show ng ex-wife ni Ariel

Papasukin na ng businesswoman na si Cristina Castillo ang pag-produce ng pelikula at TV shows sa 2013. Ito nga ang bagong negosyo na kanyang haharapin bukod sa kanyang real estate business at money-lending company.

Nasubukan na kasi niya ang maging TV show producer nang gawin niya three seasons ng reality-comedy series na Mommy Elvie@18 sa GMA News TV na pinagbidahan ng kanyang estranged husband na si Ariel Villasanta at inang si Mommy Elvie Villasanta.

Isa sa mga plano ay ang bigyan ulit ng show ang kanyang former mother-in-law na si Mommy Elvie.

Ayon kay Cristina, marami talagang nag­hahanap kay Mommy Elvie at nami-miss na nila ang paglabas nito sa TV.

 “Constant naman ang communication namin ng mother-in-law ko. Sinasabi ko naman sa kanya na kahit nagkaroon kami ng problema ni Ariel, ‘yung pagmamahal ko sa kanya ay hindi magbabago. Siya pa rin ang Mommy Elvie ko,” paliwanag ni Cristina.

Sa pelikula naman ay mga makabuluhan na stories ang gagawin nila na puwedeng mai-market sa mga international film festival. Aware si Cristina na usung-uso ngayon ang mga indie film na mataas ang kalibre at naipapalabas pa sa abroad.

 

vuukle comment

ARIEL VILLASANTA

BANYO QUEEN

CRISTINA

CRISTINA CASTILLO

KAYA

MALE

MOMMY ELVIE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with