^

Pang Movies

LT nalambutan sa lips ni Dingdong

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Naiiba ang karakter na ginagampanan ni Lorna Tolentino sa Pahiram ng Sandali. Isa siyang babaeng may asawa na makikipagrelasyon sa nakababatang photo journalist. Ngayon lang siya muling tumanggap ng ganitong klase ng role dahil inaalala niya ang dalawang lalaking anak.

Ayon sa aktres, nag-mature na sila at mauunawaan na ang kanyang ginagampanang role.

Isang malaking karangalan naman para kay Dingdong Dantes na makasama sa te-leserye si LT. Matagal na siyang tagahanga ng aktres.

Kinumusta namin kay LT kung paano humalik si Dingdong.

‘‘Gentleman siya at malambot ang kanyang labi,’’ sagot ng aktres.

Gianna nangako kay Sen. Bong na hindi gagaya sa Ate Inah na maagang nag-asawa

Pumasok na rin sa showbiz ang 17 years old na si Gianna Revilla, anak nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Rep. Lani Mercado. Kasama siya sa Teen Gen na bagong youth-oriented show ng GMA 7. Fourth year high school sa La Salle ang dalagita.

Matagal nang pangarap ni Gianna ang pumasok sa showbiz kay lang ayaw pa noon ng kanyang parents.

Panay ang payo sa kanya ng kanyang Daddy Bong at sinabing ingatan ang kanyang sarili at maging magalang sa lahat. May mga nanliligaw naman sa teen star kaya lang wala pa siyang sinasagot.

Sinabi ni Gianna na hindi siya gagaya sa kanyang Ate Inah na maagang nag-asawa, pagkatapos lang ng kanyang debut.

Tulad ni Gianna, artista na rin ang anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong na si Gab de Leon na 20 years old at kamukha ng ama lalo na kapag tumawa ito. Matangkad ito, 5’9’’, at tapos ng photography sa St. Benilde.

vuukle comment

ATE INAH

BONG REVILLA

DADDY BONG

DINGDONG DANTES

GIANNA

GIANNA REVILLA

KANYANG

LA SALLE

LANI MERCADO

LORNA TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with