^

Pang Movies

Pauleen naghahanda na, naka-maternity dress NA!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Dinalaw namin ang taping ng Magdalena, Anghel sa Putikan at inabutan naming naka-maternity dress si Pauleen Luna kaya biro sa kanya, naghahanda na ba siya? Kahit request ni Pauleen na tungkol lamang sa afternoon prime nila na napapanood after ng Sana ay Ikaw Na Nga, hindi na puwede dahil sinasagot naman niya ang mga pabirong tanong sa kanya. Isa na rito ay kung may special privilege siya sa Eat Bulaga na nakakapag-taping siya kahit may show siya. 

Nasa “economy” lamang siya, meaning, wala siyang special privilege. Nagkataon lang na malaki ang role niya sa Magdalena kaya pinapayagan siya kapag nagpaalam na maghapon ang taping niya. Unfair naman kasi sa iba niyang kasama sa show kung maliit lamang ang role niya, hindi na siya aapir sa show. Pero kapag kaya pa niyang mag-join ng show bago mag-report sa taping, ginagawa niya.

Kinagabihan na dumalaw ka­mi sa taping ay premiere showing ng D’ Kilabots Pogi Brothers…Weh?! at sabi ni Pauleen, sinusuportahan ng Dabarkads sina Jose Manalo at Wally Bayola kaya tinanong namin kung a-attend siya ng premiere night. Hindi raw siya sure pero tapos na ang taping niya for the day. Nag-attend pala si Pauleen. Sabay silang dumating ni Bossing Vic Sotto ng premiere night.

ALJUR NAGSALITA NA SA PAGLAYAS SA CONCERT NI JLO

Nilinaw ni Aljur Abrenica ang issue na nakita siyang hinahabol niya si Kylie Padilla noong Dance Again concert ni Jennifer Lopez sa SM Arena sa Mall of Asia. Hindi na nagkaila si Aljur na tuloy pa rin ang relasyon nila ni Kylie at magkasama nga silang nanood ng concert dahil pareho nilang paborito si JLo. 

Kaya lamang hindi sila nagtagal dahil hindi naman maganda ang ibinigay na seats sa kanila. Ang layo nila at kahit lumapit sila ay nakatayo lamang sila at mahirap ’yun for Kylie dahil naka-high heels ito. Kaya nagdesisyon na lamang silang hindi na tapusin ang concert at maraming nakakita sa kanilang lumabas na at nag-dinner na lamang.

Nakausap namin si Aljur sa launch niya as the cover of Men’s Health for the month of December. Thankful siya dahil second time na niya ito for this year. Una siyang naging cover noong February. Ina­min niyang matagal na niyang pangarap noon na maging cover ng Men’s Health ka­ya naman hindi siya nagpabaya sa work­out at healthy meal plan.

Now na tapos na ang taping at nagsyu-shooting na lamang siya ng Sossy Problems na pag-aagawan siya nina Solenn Heussaff at Heart Evangelista, ang en­try ng GMA Films sa coming Metro Ma­ila Film Festival, back na raw ulit siya sa cardio work out.

 

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

BOSSING VIC SOTTO

DANCE AGAIN

LAMANG

NIYA

PAULEEN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with