^

Pang Movies

Judy Ann nailang sa ‘boss’ ni Ryan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ayaw magsalita ang manager ni Jillian Ward kung bakit hindi nag-attend ng first presscon ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako na ibinigay para kina Judy Ann Santos, John Lapus, Yassi Pressman, Ryzza Mae Dizon, at kay Jillian nga. 

Kaya naman si Ryzza Mae ang kinatuwaan ng entertainment press at ni Judy Ann mismo dahil bibung-bibo sa pagsagot ang seven-year-old Little Miss Philippines winner ng Eat Bulaga, kahit anong itanong sa kanya. 

Na-touch lamang kami nang tanungin ang bata kung ano ang kinain nila noong Pasko last year at sagot niya ay wala. Ang wish niya this Christmas, magkaroon sila ng bahay na malapit sa Broadway Centrum o kahit daw saan, basta bahay na mati­ti­rahan nila. Si Ryzza Mae ay ang computer-wiz duwende na si Chichay sa kaharian ng Diwatara ni Princess Angelina Kalinisan Orteza (Judy Ann).

 Thankful naman si Juday na tinanggap niya ang movie na first time siyang gaganap na isang engkantada na biro niya, isa siyang haliparot na fairy na nagiging ibon at masaya niyang sinusundan at pinapanood sina Agimat at Enteng Kabisote kahit saan sila pumunta. Gusto niyang isiping isa itong historical movie na minsan ay nakapasok siya sa mundo nina Agimat at Enteng Kabisote. 

Hindi na siya nanibago na makaeksena si Sen. Bong Revilla, Jr. dahil minsan na silang nagtambal sa Minsan Ko Lang Sasabihin. Kay Vic Sotto raw siya medyo nailang, siguro dahil boss ito ng husband niyang si Ryan Agoncillo at ngayon lamang niya nakasama sa isang movie.

LT at Dingdong nag-umpisa ang moments sa pag-inom ng alak

 Mamayang gabi na mapapanood ang pilot episode ng Pahiram ng Sandali sa GMA 7 pagkatapos ng Aso ni San Roque. Casting coup ang drama series na sinulat ni Aloy Adlawan with Jun Lana as the creative director, Suzette Doctolero as the creative consultant at sa direksiyon ni Maryo J. delos Reyes. Mag-asawa rito sina Janice (Lorna Tolentino) at Phillip (Christopher de Leon). Editor-in-chief si Janice ng Pinoy Reporter na pag-aari ng mag-asawang Larry (Mark Gil) at Diana (Isabel Rivas). Si Thea (Sandy Andolong) ang ina ni Alex (Dingdong Dantes) at anak niya kay Larry si Alex, inabandona at hindi nito kinilalang anak. May isa pa siyang anak, si Franz (Kristoffer Martin).

Isang photo journalist si Alex at gusto niyang makapasok sa publishing company ng ama hoping kilalanin siya nito. Girlfriend ni Alex ang liberated na si Cindy (Max Collins), anak nina Janice at Phillip, pero umalis ito for abroad. Habang magkahiwalay sila, nagkaroon ng moments sina Janice (na natuklasang may mistress si Phillip, si Baby, played by Alessandra de Rossi) at Alex minsang pareho silang nakainom ng alak. Bumalik si Cindy, hindi alam ni Alex na mag-ina sina Janice at Cindy. Lumabas din sa kanilang tabloid ang relasyon nina Janice at Alex. Ano ang mangyayari kapag nalaman ni Cindy na may relasyon ang boyfriend niya at ang kanyang ina?

           

 

vuukle comment

AGIMAT

ALEX

ALOY ADLAWAN

BONG REVILLA

CINDY

ENTENG KABISOTE

JANICE

JUDY ANN

PHILLIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with