^

Pang Movies

Samantalang siya ang gumagastos sa pangalan ng maraming artista Kuya Germs walang sariling Star sa Walk of Fame

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

 

Noong isang gabi, pinarangalan si German Mo­reno bilang Natatanging Alagad ng Telebisyon. Hin­di iyon isang regular award, in fact, first time ka­ming nakarinig ng ganoong title. Anyway, siguro na­kita nila ang mga nagagawa ni Kuya Germs para sa industriya ng telebisyon at nais naman siyang pa­­rangalan ng mga kaibigan niya sa press dahil sa li­mampung taon na siya sa showbusiness, kaya siya bi­nigyan ng ganung award.

Pero bigyan natin nang mas matinding titig ang award na iyon: Natatanging Alagad ng Telebisyon.

Malamang na ibinigay nila ang award kasi isinabay sa ‘TV awards’ ng Star Awards kaya ganun.

Si Kuya Germs mas masasabi mong tumulong sa showbusiness sa kabuuan nito kaya nga siya tinawag na Master Showman eh.

Masasabi rin siguro na nitong mga huling panahon ng kanyang career, mas naging concentrated si Kuya Germs bilang isang star builder kesa sa kanyang pagiging TV host. At pinag-uusapan nga nila, mas maraming mga artista siyang nailabas sa kanyang That’s Entertainment noon kesa sa StarStruck ng GMA 7 at Star Circle ng ABS-CBN.

Naniniwala rin naman kami na dapat bigyan ng parangal si Kuya Germs. Tingnan na lang ninyo, nagbibigay siya ng German Moreno Youth Achievement Award na kasama ng FAMAS. Depende iyon kung may FAMAS. Ilang kabataang artista na ang kanyang naparangalan simula noon?

 Ngayon, itinayo pa niya ang Walk of Fame Philippines, gastos niyang lahat iyon. Ilang stars na ang nakalagay sa Walk of Fame? Pero si Kuya Germs walang sariling star doon na something that he really deserves ha?

Katherine naghihirap kaya naalala si coco

Umiiyak pa si Katherine Luna nang mapanood namin sa telebisyon at ang sabi willing naman siyang makilala ni Coco Martin ang kanilang pitong taong gulang na anak. Medyo nagbago na yata siya dahil siguro hirap na nga sa buhay. Noon kasi ay iba ang tono ng kanyang pananalita.

Kawawa rin naman ang batang ’yan. Hindi kasi natuto sa buhay eh.

Ngayon ay lima na ang kanyang anak. Hindi maliwanag sa amin kung sinu-sino ang naging tatay ng kanyang mga anak. Pero ang maliwanag, hirap siya ngayon. Siguro nga ay kailangan din niya ang isang makakatulong talaga sa kanya.

vuukle comment

COCO MARTIN

GERMAN MO

GERMAN MORENO YOUTH ACHIEVEMENT AWARD

ILANG

KANYANG

KATHERINE LUNA

KUYA GERMS

NATATANGING ALAGAD

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with