ASEAN Summit security coverage, matagumpay!
MISSION accomplished!
Matapos ang apat na araw na security operations sa 49th ASEAN Summit, dineklara ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. na generally peaceful at orderly ang nasabing meeting, sabay pagkilala sa partner agencies at libu-libong personnel na lumahok upang maging matagumpay ang event.
Magmula sa pagdating ng World leaders at sa pagsagawa ng summit at mga pagkilos ng publiko sa buong Metro Manila, ang police personnel at hindi tumiwalag sa kanilang security coverage, kasama ang AFP, PSG, mga ahensiya ng gobyerno, LGUs at iba pang stakeholders.
Natuwa si Nartatez sa sama-samang pagkilos ng sangkot sa security, lalo na sa kapulisan na iniwan ang kanilang pamilya at regular assignments upang magserbisyo sa naturang international event, kasama na dito ang mga force multipliers.
“Sa lahat ng ating mga pulis na naka-deploy, maraming salamat sa inyong sakripisyo, tiyaga, at malasakit,” ang pahayag ni Nartatez.
“Alam kong hindi naging madali ang inyong mga tungkulin nitong mga nakaraang araw. You carried out your responsibilities with dedication, and you represented the country through your discipline and professionalism,” ang saad pa ni Nartatez.
Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
May aabot sa 20,000 kapulisan ang nai-deploy sa summit, hindi pa kasama d’yan ang local officials, volunteers at ang publiko na sama-samang gumanap ng kani-kanilang tungkulin upang bantayan ang mga delegado, venues, at billeting areas.
Kahit nagkaroon man ng ratratan ang mga raliyista at pulis, sinabi ni Nartatez na ang PNP ay nag-obserba ng maximum tolerance at pagtitimpi upang magiging matahimik ang protest rallies at paghinga ng saloobin ng mga Pinoy.
“Hindi ito trabaho ng PNP lamang. Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, nakipag-coordinate, at nagbigay ng suporta,” ayon kay PNP chief.
“ Sa ating mga kababayan, salamat din sa inyong pag-unawa at pakikiisa, lalo na sa mga naapektuhan ng traffic adjustments at iba pang security arrangements. Your cooperation made a real difference,” dagdag pa n’ya. Dipugaaaaa!
Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Kahit matagumpay ang kanilang security coverage sa ASEAN Summit, iginiit ni Nartatez na hindi dapat ibaba ng pulisya ang kanilang security arrangements dahil mayroon pang mga delegado sa iba pang summit-related events.
Sa pagtatapos ng kanilang trabaho sa importanteng international undertaking, kinilala ng PNP na ang matagumpay nilang security mission ay hindi nasusukat sa presensiya ng kapulisan, kundi sa abilidad nilang magprotekta ng buhay, respeto ng karapatan ng publiko at pagmintina ng tiwala ng mga Pinoy.
Mga kosa, ano ang masasabi n’yo sa security coverage ng PNP sa ASEAN Summit? Pakisagot sa comment section! Abangan!
- Latest















