Gen. Torre, ceasefire na vs DDS vloggers!
Makakahinga na ng maluwag ang mga pro-Duterte vloggers. Bakit? Dahil walang balak si CIDG director Maj. Gen. Nicolas Torre III na habulin ang mga vloggers na nagpapakalat ng fake news, kagaya ni Jun Abines. Ipinaliwanag ni Torre na ang pagtanggap ng misinformation ay parte ng kanilang trabaho at kumapal na ang kanilang mukha sa mga ito. Dipugaaaaa!
Kaya lang may catch, mga kosa. Iginiit ni Torre na kahit ceasefire na siya sa DDS vloggers, aktibo naman ang CIDG na pag-aralan ang operations ng troll farms, hindi lang dahil sa kainitan ng paglakbay ni Tatay Digong sa The Hague, Netherlands kundi maging sa nalalapit na midterm elections.
Malaki ang naging papel ni Torre sa pagdala kay Tatay Digong sa ICC at napansin niya ang malawakang pagkilos ng mga troll na maaring maimpluwensiyahan ang public opinion. Mismooo! Kung sabagay, bahala na ang TriCom sa Kongreso na humabol sa DDS vloggers, di ba mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
“We are considering troll farms as part of the major operations. We are looking into, not only in elections, but also in other aspects of governance especially now.
We can feel it in light of aftermath of recent developments,” ani Torre. “We have seen many of the ops of troll farms with huge financial transfers and transactions. We have trained our people on this,” aniya. Purbidang yawaahhhh!
Nagsasagawa na ng re-training ang mga operatiba ng CIDG upang maging deputized anti-crime investigators upang i-analisa ang financial transactions ng mga troll farms. So maliwanag pa sa sikat ng araw mga kosa na hindi ang vloggers ng fake news ang target ngayon ng CIDG investigators kundi ang mga nakatagong malakihang troll farms. Sanamagan! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Kung sabagay, may isang pulis na sa katauhan ni Pat. Francis Steve Tallion Fontillas na naging casualty dito sa bangayan ng kampo nina President Bongbong Marcos at Tatay Digong. Ayon kay PNP PIO chief Col. Randolf Tuaño, kinasuhan si Fontillas, na naka-assign sa QCPD, ng inciting to sedition. Si Fontillas ay nag-post ng kanyang saloobin matapos mabiyahe si Tatay Digong sa ICC, kung saan marami siyang sinabi na labag sa batas ng PNP na dapat maging neutral, ani Tuaño. Hayun, swak sa banga si Fontillas, na ayon kay QCPD director Col. Bong Buslig ay naka-assign sa DPHAS subalit nag-AWOL mula Marso 6. Sinabi naman ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil: “The PNP is a pillar of law and order, not a platform of personal or political agendas.” Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang talaga.
Maliban sa inciting to sedition, nagsampa naman si Buslig ng limang administrative cases laban kay Fontillas. “Si Fontillas applied for leave March 6 to March 19. However, yung pinapakita niya doon is wala ‘yung approved or disapprove. His leave was not processed because of lacking requirements so it is being disapproved kaya effective March 6 hindi na siya pumapasok. So we filed AWOL sa kanya,” ani Buslig.
Iniutos pa ni Buslig ang pag-recall ng service firearm ni Fontillas sa kadahilanang naka-schedule siya na pumasailalim sa psychiatric examination subalit hindi natuloy. Mukhang may tama ang ating bida.
Lumutang naman si Fontillas sa QCPD noong Huwebes kung saan nag-sorry siya at nangakong hindi na n’ya uulitin ang kanyang ginawa. Sa huli talaga ang pagsisisi, no mga kosa? Abangan!
- Latest