^

Punto Mo

16 kilong shabu samsam sa PDEA buy-bust

John Unson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency ang P108 million na halaga ng shabu mula sa isang dealer na na-entrap sa Barangay Canelar sa Zamboanga City nitong gabi ng Biyernes, May 17, 2024.

Sa ulat nitong Sabado ng umaga ni Maharani Gadaoni-Tosoc, director ng PDEA-9, abot sa 16 kilos ang shabu na naibenta ni Alnasher Jumdain Mudah, 42-anyos, sa kanilang mga operatiba na nagsagawa ng naturang entrapment operation sa isang lugar sa Barangay Canelar na nagresulta sa kanyang agarang pagkaaresto.

Naisagawa ang natu­rang entrapment operation, kung saan nakunan ng P108 million na halaga ng shabu si Mudah, sa tulong ng tanggapan ni Zamboanga City Mayor John Dalipe at ng mga units ng Zamboanga City Police Office at ng Police Regional Office-9, ayon kay Gadaoni-Tosoc.

Nasa kustodiya na ng PDEA-9 ang suspect at nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Magugunita na nitong Mayo 3, nakakumpiska rin ang PDEA-9 at mga pulis ng nasa 21 kilong shabu na nagkakahalaga ng P145.5 milyon mula sa mga hinihinalang drug dealers na sina Wilson Sahiban, 25-anyos, Junjimar Hajili Aiyob, 29,, Jimmy Sahibol, 30, at Abdurahman Abdulhakim, 27, sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Mampang, Zamboanga City.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with