^

Punto Mo

EDITORYAL - Terrific ang trapik sa MM

Pang-masa
EDITORYAL - Terrific ang trapik sa MM

Halos araw-araw na ang matinding trapik sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila, partikular na ang EDSA. Kung noon, nakukuha ng motorista na dalawang oras ang biyahe mula Balintawak patungong Ayala Avenue, ngayon, tatlong oras na. Mas matindi kapag nagsagawa ng paghuhukay sa EDSA, kalbaryo ang daranasin ng motorista. Mapapamura sila sa inis dahil walang galawan ang trapik. Mistulang malaking parking lot ang EDSA.

Kahit na inaagahan ng pasok ng mga empleyado, nali-late pa rin sila dahil sa sobrang trapik. Ang pinakadabest na magagawa ng commuters ay sumakay ng train. Pero dusa rin sapagkat super haba ng pila ng tao sa train. Bago makasakay ay inaabot ng kalahating oras kaya late pa rin silang dumarating sa trabaho.

Dahil sa nararanasang trapik, isang paraan ang naisip ng Metro Manila Council (MMC). Ini-adjust ang oras ng trabaho sa lahat ng local government units (LGUs) sa National Capital Region (NCR) na magsisimula ngayong araw na ito, Abril 15.

Ayon sa resolusyon na inilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), 7:00 a.m. hanggang 4:00 p.m. ang pasok ng mga kawani ng gobyerno. Ang hakbang ng MMDA ay para masolusyunan ang pagsisikip ng trapiko.

Ayon sa MMDA, ang tradisyonal na 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. na oras ng trabaho sa government offices ay sumasabay sa oras ng pagtatrabaho ng mga ­empleyado sa private companies. Ito anila ang dahilan ng pagsisikip ng trapiko. Sa pamamagitan ng pag-adjust, maaaring mabawasan ang bigat ng trapik.

Ginawa na rin ito noon pa. Katunayan, may mga kompanya talaga na nagpapatupad ng 7:00 a.m.-4:00 p.m. na iskedyul. Pero hindi pa rin nabawasan ang trapik at lumala pa nga. Sa sistemang ito, pinaaga lang ng isang oras kaya nagtatagpu-tagpo rin sa hintayan ng sasakyan ang mga kawani ng gobyerno at pribado. Ganunman, wala namang masama kung susubukan. Baka makatulong.

Isa sa mga dahilan kaya matrapik sa mga pangunahing kalsada sa MM ay dahil sa mga sasakyang hindi rehistrado. Ayon sa Land Transportation Office (LTO), nasa 24.7 milyong sasakyan ang hindi rehistrado. Ang mga ito ang nagpapasikip sa EDSA at iba pang kalsada. Dapat gumawa ng hakbang ang LTO kung paano mahuhuli ang mga hindi rehistrado.

Sinabi ni LTO chief Vigor Mendoza II, magsasagawa sila nang agresibong operasyon sa pagpapatupad ng “No Registration, No Travel” policy ngayong 2024 para mahuli ang mga sasakyang hindi rehistrado. Gawin sana ito ng LTO.

Tuunan din ng pansin ng pamahalaan ang pag-construct ng skyways at railways. Kamakailan, napabalita na lalagyan ng elevated expressway ang EDSA. Ito ang dapat. Sana maisagawa para malutas ang trapik. Bil­yong piso ang nasasayang dahil sa perwisyong trapik.

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with