^

Punto Mo

EDITORYAL - Patuloy na ­pambu-bully ng­ China, ­nakababahala

Pang-masa
EDITORYAL - Patuloy na ­pambu-bully ng­ China, ­nakababahala

NAKABABAHALA na ang madalas na pagharang ng China Coast Guard (CCG) sa mga barko ng Pilipinas sa tuwing magsasagawa ng resupply mission. Nagpapakita lamang ito na lantaran na ang kanilang pag-angkin sa teritoryo ng Pilipinas. Hindi na mapigilan ang kanilang ginagawa kaya kailangang paghandaan ito ng pamahalaan. Baka isang araw, angkin na ng China ang Pilipinas.

Noong Huwebes, tinangka na namang harangin ng CCG ang resupply mission sa Bajo de Masinloc. Magdadala ng tulong ang barko ng Pilipinas sa 44 “mother fishing boats” sa Bajo de Masinloc. Bukod sa mga pagkain may dala ring diesel para sa mga mangingisda.

Akala ng mga tauhan ng BRP Datu Sunday ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resour­ces (BFAR) hindi sila makararanas nang pagharang ng CCG sapagkat maayos ang kanilang paglalakbay. Pero nagkamali sila sapagkat biglang bumulaga sa kanila ang CCG ship 3105 at Chinese maritime militia vessel at tinangka silang harangin. Tatlong beses silang tinangkang harangin. Nagsagawa pa nang mapanganib na maniobra ang CCG at muntik nang madisgrasya ang kanilang sinasakyan. Ayon pa sa report, nagpadala pa ang Chinese navy ng helicopter mula sa kanilang warship para ma-monitor ang barko ng BFAR. Dahil dito, nag-deploy ang BFAR ng Cessna plane para ma-monitor ang harassment na ginagawa ng CCG.

Noong nakaraang linggo, sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na gumagamit ng cyanide ang China para maitaboy ang mga Pilipinong mangingisda sa Bajo de Masinloc. Ayon sa BFAR ang paggamit ng cyanide ay nakasisira sa coral reefs na tirahan ng mga isda. Noon nakaraang Enero, limang miyembro ng CCG ang nanggipit sa mga mangingisdang Pilipino habang kumukuha ng mga kabibi sa Bajo de Masinloc.

Sa ipinakikita ng China, desidido silang mapaalis ang mga mangingisdang Pinoys sa nasabing shoal na sinasabing mayaman hindi lamang sa isda kundi sa iba pang mineral.

Kamakailan, sinabi ni National Security Adviser Eduardo Año na regular nang magpapatrulya ang Philippine Coast Guard (PCG) at BFAR sa Bajo de Masinloc para mabantayan ang mga mangingisdang Pinoy. Sana, magawa nang regular para mapigilan ang unti-unting pag-angkin ng China sa mga teritoryo ng Pilipinas. Ipagtanggol ang soberanya.

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with