^

Punto Mo

Lola sa Japan, inaresto matapos mahuli na ang mga panindang luxury bags ay peke at tinahi lamang niya sa bahay!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 64-anyos na lola sa Tokyo, Japan ang inaresto matapos umamin na ang mga luxury bags at wallet na tinitinda niya sa kanyang maliit na shop ay peke at tinahi lamang niya gamit ang sewing machine sa kanyang bahay.

Ayon sa hindi pina­ngalanang suspek, binuksan niya ang kanyang leather goods shop sa isang shopping street sa Katsushika Ward ilang taon na ang nakararaan. Sinimulan niya ang kanyang business na nagtitinda ng mga bags at wallet na siya mismo ang nagdisenyo at nagtahi. Ngunit nang manalasa ang COVID-19 pandemic noong 2020, humina ang kanyang shop at wala nang bumibili ng kanyang mga produkto.

Habang pinag-iisipan kung paano bubuhayin muli ang kanyang shop, may napanood sa TV ang matanda kung saan nalaman niya na malakas ang bentahan ng luxury bags at wallets. Matapos mag-research online, natuklasan ng matanda na may nabibiling tela ng Louis Vuitton, Hermes at Chanel sa internet. Umorder siya nito at tinahi niya ito sa kanyang sewing machine.

Dahil pulidong gumawa ng bag ang matanda, binebenta niya ang kanyang mga pekeng bag sa halagang mula 3,500 yen (katumbas ng P1,300) hanggang 8,000 yen (P2,900). Sa dalawang taon na pagtitinda nito, napag-alaman na kumita siya ng mahigit 900,000 yen (P330,000).

Matapos arestuhin, umamin ang matanda na ang lahat ng mga pineke niyang bags at wallet ay handmade at siya mismo ang nagtahi. Sinampahan ng intellectual property infringement ang matanda at kasalukuyang hinihintay ang kahihinatnan ng kaso.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with