^

Punto Mo

4Ps beneficiaries, mas gusto ang pera kaysa bigas

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Siguradong marami ang tututol sa balaking ito.

Kasi pinag-aaralan ng pamahalaan na imbes na perang ayuda, eh bigas na lang ang ibigay sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Sa kasalukuyan kasi perang ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tinatanggap ng mga mahihirap na pamilyang Pinoy buhat sa gobyerno sa ilalim ng 4Ps program.

Ang bigas na ayuda ay iminungkahi ng Department of Agriculture (DA) sa Pangulo at hini­hintay na lamang ang sagot ng huli.

Sa kanilang panukala, dapat umanong i-convert na lamang sa bigas mula sa National Food Authority (NFA) ang binibigay na pera sa 4Ps beneficiaries.

Layon umano nito na maibsan ang bigat sa mga mahihirap na pamilya na kailangan pang bumili ng bigas na mayroong mataas na presyo.

Makakatulong din umano ito sa pagbagal sa inflation sa bansa na magpapababa sa presyo ng bigas.

Makikinabang din umano dito ang mga magsasaka.

Pero ngayon pa lang tutol dito ang maraming benepisyaryo ng programa.

Mas gusto nila ang perang ayuda, kasi nga naman hindi lang sa pagbili ng bigas nila ito nagagamit kundi sa iba pang pangangailangan.

Eh kasi naman, hindi nga ba’t umusbong ang mga ulat na may ilang benepisyaryo naman ang nagsasanla sa kanilang ATM  sa ayudang pera, baka yan ang naiisip nilang paraan kaya lumutang ang ayudang bigas.

Gayunman, may katwiran rin ang mga benepisyaryo  dahil hindi nga lang bigas ang kanilang kailangan kundi may iba pang bagay kaya mas makakabuti sa kanila na cash na lang ang matanggap.

Mayroon umanong 20% na mahihirap na Pinoy sa buong bansa na nasa ilalim ng 4Ps ng DSWD na binibigyan ng tulong pinansyal ng pamahalaan na bumibili umano ng bigas sa mataas na halaga.

Pero may ibang naghain ng panukala na wag naman tuluyang alisin ang ayudang pinansiyal kundi magbigay ng bigas at bawasan na lang cash na tila mas tanggap ng marami.

Ano man ang magiging pasya rito, yan ang  ating aantabayan.

vuukle comment

PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with