^

Punto Mo

Wheelchair (148)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ISANG araw, sinorpresa ni Jong si Pam. Pinuntahan niya ito sa pinagtatrabahuhang ospital bilang nursing aide. Gulat na gulat si Pam. Sabay silang lumabas. Off na si Pam.

“Anong meron at bigla mo akong pinuntahan, Jong?’’ tanong ni Pam habang naglalakad sila palabas ng ospital.

“Wala lang. Birthday ko lang naman. Iti-treat kita.’’

“Ay oo nga! Pasensiya ka na nalimuta ko, Jong. Sa sobrang dami kong trabaho sa ospital, hindi ko naalala na birthday mo ngayon. Maski kasi FB hindi na ako nakakapag-open. Sobra talaga ang busy ko—ang daming trabaho! Ikaw ba Jong, marami ring trabaho sa ospital n’yo?’’

“Marami rin. Jingle lang ang pahinga, ha-ha-ha!’’

“Mabuti at nakapunta ka pa rito?’’

“E kasi nga gusto ko mailibre kita. Parang selebrasyon na rin dahil may work na ako at ikaw din.’’

“Sige kain tayo. Pero hahatian kita dahil pareho na tayong may trabaho.’’

“Ah hindi ako papa­yag Basta ako ang magbabayad.’’

“Sige na nga. Sa sunod, ako naman.’’

Sa isang seafood restaurant sila nagtungo. Dinner.

Habang kumakain patuloy ang kanilang pagkukuwentuhan. Hanggang sa madako ang usapan nila sa mga dating classmate. Marami sa kanilang classmate ang mga nagtatrabaho rin sa ospital. Ang iba ay naging medsec at mayroon din namang naging medrep. Mayroon na ring nag-abroad.

Hanggang madako kay Bart ang kanilang usapan.

“Si Bart may balita ka, Pam?’’

“Wala.’’

“Hindi kaya nakakulong na yun?’’

“Palagay ko. Kasi di ba nun, siya ang itinuturong source ng droga.’’

“Oo. Ikinanta siya ng dalawang tauhan niya na ako ang nakahuli. Natatandaan mo na nabigyan ako ng reward nang mahuli ang mga tauhan niya. Nagtataka ako na biglang nawala sa limelight si Bart makaraan iyon. Baka nga nahuli na siya o napatay na ng mga pulis, Pam.’’

“Kung yun ang nangyari sa kanya, mabuti naman para wala nang nagbabanta sa buhay mo. Di ba kaya ka nag-aral ng arnis ay para sa self defense. Pati nga ako, nag-aral din.’’

“Oo. Siguro nga wala na akong magiging problema kay Bart, Pam.’’

“Sige, magselebrey tayo. Kain tayo.’’ (Itutuloy)

 

vuukle comment

WHEELCHAIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with